Traffic 74

53 3 2
                                    

note: SAYO NA NAG-EENJOY SA KABALIWANG TUMAGAL NG ISANG TAON... SALAMAT.

-Keito POV-

"Nandito daw si Yabu?"tanong ko kay Hikaru.

Tinignan nya ko ng masama habang nakatayo sa likod ng pinto.

"Bakit?"tanong ko.

"Ako ang dapat nagtatanong kung bakit ka nandito."

"Hindi nagrereply sakin si Yabu."

"Bakit kailangan nyang magreply sayo? Girlfriend ka ba nya? Mag-asawa na ba kayo?"

Umiling ako.

Wala akong masasabi kay Hikaru dahil si Yabu talaga ang pakay ko.

"Hindi mo pwedeng kausapin si Yabu."

Nanlaki ang mata ko. "Bakit!?"

"Naliligo pa sya."

Lalong nanlaki ang mata ko.

Wag nyang sabihin na may ginagawa sila bago ako dumating?

"Nakakaabala ba ko?"di sure na tanong ko.

"Oo."sagot ni Hikaru.

May ibinulong sya pero hindi ko masyadong narinig.

Mukhang... wala ng pag-asa si Yel.

Naunahan na yata sya ni Hikaru.

Sabagay...

Matagal nang magkakilala si Yabu at Hikaru.

Malaki rin ang fanbase ng YabuHika.

Hindi rin siguro posible na...

"Ano ba kasi yung sasabihin mo kay Yabu?"putol ni Hikaru sa iniisip ko.

"Tungkol kay Yel... sana."

Napakunot nag noo ni Hikaru.

"Wag na lang pala."bawi ko.

"Sige na. Pumasok ka na. Nang ma-recharge naman yung lalaking yun."

Ha?

Ibinukas ni Hikaru ang pinto para makapasok ako pero nakatayo lang ako.

"Hoy, Keito. Pumasok ka na. Baka sumaya si Yabu sa balita mo tungkol kay Yel."

"Ah... Eh... Okay lang?"

Pinektusan nya ko.

"Dali na!!!"sabi nya.

Pumasok ako sa bahay nila, bumulong ng 'ojama shimasu' at...

"Konbanwa."bati sakin ng babae sa sala.

"Ah..."

Napatingin ako kay Hikaru.

"Ano?"naiinis na tanong nya sakin.

Hinarap ko ulit ang babae. "Konbanwa."bati ko.

Inihatid ako ni Hikaru sa kwarto nya.

"Abala kayo sa lovelife."reklamo kaagad nya.

Napatingin samin si Yabu na feel at home na naka-boxer shorts lang at may nakasampay na twalya sa balikat.

"Yabu, try mo umuwi."

"Ayoko nga."sagot naman ni Yabu.

"Yabu... may gusto akong sabihin sayo tungkol kay Yel."sabi ko.

Kinuha ni Yabu ang papel sa gitna ng kama.

Hindi nya ko pinansin.

"Yabu?"

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon