Traffic 21

106 0 0
                                    

-Mariel POV-

Papagabi na.

Nandito pa rin si Chinen.

Nanonood ng PBB.

Ano ba to?

Si Haruma, may sumundo kanina. Siguro, crew ng drama na ginagawa nila.

Si Airi?

Inihatid nila Takaki sa sakayan ng jeep.

Tapos, umuwi na din siguro sila.

Ayaw naman kasing sumama nitong lalaking kinulang sa height.

"Hoy Chinen."

Tumawa muna sya bago lumingon sa akin.

"Ha?"

"Bakit naisipan mong dito muna?"

Hindi sya nagsalita.

Sa aming bahay, tapos ayaw akong sagutin.

Eh kung picture-an ko na nga lang sya tulad ng gustong gawin ni Airi kanina?

Click.

Napalingon ulit si Chinen.

Click ulit.

E di ako na may picture ni Chinen sa loob ng bahay namin.

Tapos balik ulit sya sa pinanonood nya.

"Wui Chinen..."

"Pabili pooooooooooo..." -bata

Haaaaaaay.

Pinagbilan ko muna yung bata.

Ang gulo.

Ano kaya ang meron sa utak nitong si Chinen at gustong makitulog dito.

Kakikita lang namin kanina, close agad?

PBB Teens?

Haaaaay ewan.

Lagi na lang kasingit yang PEE BEE BEE TEENS na yan. 

Sino ba nagpauso nyan?

Mai-tapa.

Tingin ulit kay Chinen.

Ayaw naman nyang sabihin kung bakit gusto nyang dito matulog.

At san naman sya matutulog?

Sa kwarto ko?

Booooooo...

No thanks.

Eh kung sana si Yabu ang makikitulog.

Haha. Baka mabaliw yun pag nakita yung poster ng pagmumukha nya.

Teka, bakit ko ba naiisip yung payat na masungit na yun?

"Chinen, pagabi na."

Tumingin sya sa akin.

"Ayaw mo bang nandito ako?"

Hala...

Puppy eyes.

Omaaaaaaay.

Di ko alam kung hindi ako tatanggi o ayaw ko nang tumanggi.

Hypnotized.

E kung si Yabu kaya mag-ganito sa harap ko?

Yabu again.

Ang payat kasi ni Yabu, lagi tuloy naisisingit sa utak.

Haaaaay.

Yabu-sickness ba 'to?

Yabu-sickness agad?

Ano ka ba brain?

Pwede namang si Shoon na kainuman ni Yabu.

O kahit si Daiki na walang ginawa kundi mag-smile at banggitin si Yabu.

O si Keito na laging dinadala dito si Yabu.

O si Hikaru na asawa yata ni Yabu.

Teka... bakit lahat na lang may nakakabit na Yabu?

"May lalaking ganito kaliit ba dito?"

Pwede mag-mura?

Tumalon kasi yung puso ko.

Sa kaba.

Sa tuwa.

Kaya kong mag-cartwheel sa mga oras na 'to sa totoo lang.

Napatingin ako kay Chinen.

Anong meron?

Para kasing may ideya sya na hindi sinasabi sa akin.

Tapos bigla na lang na ganito.

Ano ba talaga iniisip mo, Chinen Yuri?!

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon