Traffic 72

51 2 1
                                    

-Keito POV-

Gabi bago sila umalis pabalik sa Japan...

Napatingin ako sa cellphone kong Nokia 3315, gamit ko habang nandito kami sa Pilipinas. Napakunot ang noo ko nang makita ang pangalan ni Yel sa caller ID.

"Anong sinabi ni Haruma?"tanong nya.

"Kitie sino kausap mo?"usisa ni Chinen

Hindi ko pinansin si Chinen, lumabas na muna ko ng kwarto. "Sabi ni Haruma, kung hindi ka mapapasagot ni Yabu, aagawin ka nya dahil babalik sya ng Pilipinas para sa shooting."

Nakarinig ako ng kalabog sa kabilang linya.

"Hello? Yel? Okay ka lang?"

"Nauntog lang."

Tahimik.

"Wala namang gusto sakin si Haruma. Ano bang gusto nyong mangyari?"

Natahimik ako.

"Keito."tawag ni Yel.

Huminga ako ng malalim. "Gusto lang naming malaman kung seryoso talaga si Yabu."

"At kasama doon na pilitin akong sumama sa Japan?"

Natahimik ako.

Pilit na ina-absorb ang sinabi ni Yel.

"What?! Haa??"

Napakamot ako ng ulo.

Teka. Akala ko ba maiiwan kami ni Yabu para manligaw kay Yel. Well, sya lang ang manliligaw at kasama kong magpaplano ng mga kung anumang pakulo nya. Ano 'to?

"Kaya nga tulungan mo ko."

"Wag mong sabihing..."

"Sabi ko sasama ko pero hindi ako pwedeng umalis ng ganun ganun na lang. Ikaw kaya iblackmail."

Kung hindi ko kilala si Yabu, baka itanong ko pa kay Yel kung ano ang ginawang pam-blackmail ng 'leader' namin.

"Anong gusto mong gawin namin?"

"Kahit ano. Basta maibalik nyo na muna si Yabu sa Japan."

Hindi ako sumagot.

Mukhang may sasabihin pa sya.

Kahit naman siguro magulo lagi ang nangyayari habang sila pa ni Yabu, malamang sa mahal naman talaga nya yung poste na yun. Siguro, napagod na lang sya sa sitwasyon.

"Saka... kailangan nyang magtrabaho. Hindi yung puro paglalandi ang inaatupag nya. Matuto sya kay Haruma. Kayod nang kayod. Sya, pag may nakitang libreng oras, bigla na lang susugod dito. Alam ko namang mayaman sya pero..."

Dinig na dinig ko ang pagbuntong hininga ni Yel sa kabilang linya.

"Hindi naman nya dapat iwan yung talagang gusto nya."

Napangiti ako. "Sasabihin ko muna kina Inoo. Gumising ka na lang ng maaga, kung sakaling pumalpak kami, tatawagan kaagad kita."

"Salamat."mahinang sabi nya.

Pagkatapos naming mag-usap, sinabi ko kay Inoo ang lahat ng nangyayari... Pumayag naman sya na tulungan si Yel.

At ngayon...

Nilingon ko si Yabu.

Na kay manager ang passport nya. Isang stage play, tatlong drama auditions at ilang linggo na straight na hosting ang nakalinyang trabaho nya. Alam ko ay magkasama sila ni Takaki sa isang audition pero hindi ko pa alam kung ano talaga yun.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon