Traffic 11

133 5 1
                                    

-Yabu POV-

Alas Nuebe.

Ganitong oras pa lang, mukhang hilong talilong na 'tong dalawang magkapatid.

"Shoon, nakataas yung collar mo." -Hikaru

'Mother instinct.'

Muntik na kong matawa sa naisip.

"Akala ko ba, kahapon dapat yung show?"

"May conflict yata sa stage that day. May nakapagpa-reserve na, hindi lang nakita dahil magkaiba yung naglista. Ewan. Ang gulo nila kahapon."sabi ni Shoon habang kandaduling sa pagsuot ng necktie.

Tumayo na ko.

Mabilis na inayos ko ang necktie nya.

"Yabu."

Nilingon namin si Hikaru.

May hawak na cellphone.

"Chee-zu!"

Lumapit si Reon.

Nag-apir silang dalawa.

"Mabuhay ang bagong kasal." -Hikaru

"Ipasa mo sa 'kin." -Reon

Nagkasundo ang dalawa.

Hawak ni Reon ang cellphone.

Uso pa ang infrared. Para di magastos.

"Ano naman gagawin mo--- ARAAAAAAAAAY!!!"

Hinigpitan ko ang necktie ni Shoon.

"HAHAHAHAHAHAHAHA."

"May sayad ka talaga, Yabu!"

Niluwagan ni Shoon ang necktie.

"Teka, nakita mo ba ulit yung babaeng ni-last look mo sa bus?"

Pinanlakihan ko sya ng mata.

Sira ulo talagang hukluban na 'to.

"Ano?!"

Napatingin sya kay Hikaru.

"Ah. Okay. So... Bahala ka na."

"Sinong babae?" -Reon

"Yung pinag-uusapan nila ni Keito nung isang gabi--"

Napatingin ako kay Hikaru.

Napagka-chismoso talaga nitong Sungki na 'to.

"Alam naman pala ni Hikaru."

"Kabarkada yun nung madami di ba? Yung nagsabing masungit ako? Maresbakan nga yung mga yun."

Naaalala pa nya yun.

Ang tagal na nun.

"Saan nga pala nagpunta si Keito?"tanong ko.

Para di na nya maisip rumesbak.

"Ewan ko. Di ba, nauna tayong... Sandali, tawagan natin si Inoo."

Ang bilis mag-type ng mokong.

"Bakit hindi pa si Keito ang tawagan?"

"Mother hen kasi ngayon si Inoo."

One... Two... Thre...

"Ah. Inoo? San nga pala si Keito? Kasama ni Daiki? Somewhere? Ah... Senks!"

"Saan?"

"Kasama daw si Daiki. Baka sa Antartica. Nagpapakain ng Penguin."

Ang tino talaga kausap nitong lalaki na 'to.

Dark dapat pangalan nya.

Dahil magdidilim ang paningin mo pag sineryoso mo lahat ng sinasabi nya.

"Sumunod daw tayo sa mall."

Nakatingin pa rin sya sa cellphone nya.

Malamang sa katext si Inoo.

"Hindi kaya tayo..."

Tumingin sa akin si Hikaru.

"Wag na pala. Ayan naman si Shoon at Reon para akitin ang mga fans."

"Bakit nadamay kami?" -Reon

"Dahil kailangan nyong akitin ang audience nyo mamaya." -Hikaru

"Ano, pupunta ka sa mall?" -Shoon

Napaisip ako.

Bakit hindi?

Malamang na may malaking chance na makita ko sya doon.

Or not.

Di bale na.

Mukhang kelangan ng suporta ni Shoon.

"Ichi-cheer kita."sabi ko kay Shoon.

"Ang keso nyo namang dalawa!!!"sigaw ni Hikaru.

Kinuha ni Shoon ang sariling cellphone.

Nag-type.

Type ulit.

Nawala si Reon.

"REEEEEEEEEOOOOOOOON!!!!!!"-Shoon

Hindi ko napansin na lumabas si Reon.

Ano na namang problema ng magkapatid na 'to?

Lumapit si Hikaru kay Shoon.

Ganun din ang ginawa ko.

Blog post...

Ngayong date.

'Best Wishes'...

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon