Traffic 48

78 0 0
                                    

-Chinen POV-

Napatingin ako sa mga kasama ko.

Ganito ba talaga kasikip sa kwarto ko?

Medyo nalalakihan ako sa space pag ako lang mag-isa ang nandito. Pero ngayon...

"Bakit ba kasi nandito kayong lahat? Hindi kayo kasya dito."sabi ko.

Nahiga si Yuto sa kama.

"Uy, hihiga din ako," -Yamada

"Kapagod," -Daiki

"Tabaaaaaaa..." -Nahiga si Takaki sa ibabaw ni Yamada.

"Aray naman!!"reklamo ni Inoo na nasipa yata ni Yamada.

Tinusok ni Keito ang tagiliran ni Takaki na ayaw umalis sa pagkakadagan kay Yamada.

Makikigulo na sana ako sa kanila nang biglang nagsunud-sunod ang alert ng mail ko.

'Liit. Uwi na. Chat tayo. Kasama ko si Yel ngayon.'

"Hikaru?"

"KASAMA NI YEL?!"

Halos matanggal na ang kisame ng bahay namin sa lakas ngsigaw ni Daiki.

Maka-react naman to, parang may pinagdaanan sila ni Yel.

'Nasa bahay na ko.'reply ko.

"Ano ba yan, parakayong couple kung makapag-reply ka kay Hikaru."

"Kayo? SHIT!"

Napalingon kaming lahat kay Inoo.

Tumayo sya. Kinuha ang bag.

"Bakit ba ngayon nyo lang ipinaalala?! May date nga pala ako. Una na ko."

Nagtatakbong lumabas si Inoo.

"Teka, may girlfriend yun?!"-Takaki nakanganga habang nakasunod ang tingin sa nakalabas nang si Inoo.

"Selos si Takaki."-Daiki

"Hayaan mo, Takaki, nasa tabi mo naman si Yama."-Keito

"Nasa ibabaw ko sya."parang mamamatay nang sagot ni Yamada.

Napailing ako habang binubuksan ang computer ko. Pag nakabuo yang si Yamada at Takaki, i-co-congratulate ko na lang sila. O ako magpapangalan sa anak nila.

'Kumusta na kayong mga pangit?'

Sabi ng pop-up na account ni Hikaru sa chat ko.

"Sya na nakikiagaw ng kagwapuhan natin, sya pa may ganang manlait." -Daiki

Nakasilip na silang lahat sa computer ko.

"Nasan ba si Yabu? Si Yabu lang ang katapat ng mahangin na sungki na yan."

'Mas pangit ka. Nasan ka?'-ako

'Sa puso mo.'-Hikaru

"Sabi ko na nga ba, pinagtataksilan mo ko!!!"-Yamada

Hindi ko sya pinansin.

Mas taksil sya, may Yuto sya at Takaki. Madalas na mas madami syang nilalandi.

"Shhh! Ingay mo, siopao." -Takaki

Napanganga kaming lahat nang mag-send ulit si Hikaru ng message.

'Nasa Pilipinas ako ngayon. May inaasikaso.'

"Nasa Pilipinas si Hikaru?!"

Si Takaki yan. Natural na slow. Samantalang isinigaw na ni Daiki na magkasama si Yel at Hikaru. Malamang na nasa Pilipinas sya.

Sya lang ang nagreact kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

May 'baka ka?' look kaming lahat.

"Ano?"maang na tanong ni Takaki.

Napailing kaming lahat.

'Kasama nyo ba si Yabu?'

"Teka, bakit alam nya na magkakasama tayo?"-Ryuu

"Instinct?"-Keito

"ESP."-ako

'Wala.'reply ko.

'Hahahahahahahaha. Buti naman. May kasalanan ako dun.'-Hikaru

Magtatatype pa sana ako pero mukhang may tinatype ulit sya. Tumigil muna ko.

'asguwjddkirjcjbx'

"Ano yan?"-Daiki

"Code?"-Takaki

"Lika, i-decode natin!"

'Teka nga, inaaway na ko dito ni Yel.'-Hikaru

"CLOSE SILA?!"-Daiki

"Daiki, ano ka ba? Kanina ka pa nakasigaw pag may moment silang dalawa."-Keito

"Masama magreact?"-Daiki

"Kayo ba?"-Keito

"Makasigaw ka, parang kayo."-Yamada

"Di ba girlfriend yan ni Yabu? Bakit pati ikaw, apektado?"-Ryuu

"Andami nyo namang may gusto kay Yel, ano to, harem? Si Yabu, si Hikaru, si Keito, ngayon, si Daiki?"-ako

"Hoy! Bakit kasama ako?"-Keito

"Ganun talaga pag Gorilla."-Yamada

"Korean Siopao ka naman."

Mga abnormal. Hinarap ko ulit ang computer.

Offline.

OFFLINE NA SI HIKARU.

"Ano naman yang last message ni Hikaru?" -Daiki

'See you when I see you. Nagwalk-out si Yel. Habulin ko lang. :)'

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon