-Inoo POV-
"Na naman?"nauumay na tanong ko.
Hanggang kailan pa ba kami dito?
Naiinip na ko. Hindi naman talaga kailangang sumunod pero...
"Ako lang naman. Nasabi ko lang sayo para mauna na kayong bumalik."sabi ni Keito pero hindi talaga ako kumbinsido.
"Umayos ka."
Tumingin si Keito sa suot na polo. "Maayos ako."sabi nya.
Napabuntong hininga ako. "Pu---"
"Wag mo nang ituloy. Baka ma-rate na naman tayo."
"Ugh!!!!"
Hindi na nagsalita si Keito.
Minsan, naiintindihan ko sya. Pero madalas, mukhang di lang english ang alam nyang salita.
Martian language.
"Si Yabu?"tanong ko.
"Doon daw muna sa naupahan nyang kwarto."
"Baka may inuuwi na yung babae dun!!"
Bumuntong hininga si Keito. "Si Yel at ikaw lang---"
Binatukan ko sya.
Ipipilit na namang babae ako. Kitang naka-swimming trunks nalang nung nag-swimming kami.
"Teka, nailigpit nyo na ba yung colored con--- i mean balloons na ikinalat nyo?"tanong ni Keito.
Speaking of... "Nagpuputukan sila."sabi ko.
"Sila? Yung lobo? Sa init?"nagtatakang tanong ni Keito.
"Hindi. Alam mo yung variety show? Nailipat kasi ni Takaki yung channel kanina. Nakita yun. Ayun... Nag-uunahan silang magpaputok ng lobo dahil mag-o-audition daw sila."
Napailing ako nang maalala ang pagmumukha ng mga kagrupo.
"Ikaw?"tanong ni Keito sa akin.
"Nakakahawa ang katangahan."
Tumawa sya. "Mukha nga. Nahawa silang lahat kay Yabu."
"Nga pala, ano yung tawag kanina?"
Naku-curious talaga ko sa pagkakayakap ni Yabu kay Yel. O may iba pang dahilan?
"Si Haruma..."
"May problema ba si Haruma kay Yabu?"
Napakamot ng ulo si Keito. "Actually, ilang buwan na rin kaming may contact ni Haruma..."
Napatitig ako kay Keito. Di kaya, hinihingi ni Haruma ang kamay ni Keito kay Yabu parang yung mga namamanhikan sa mga tatay ng pakakasalan nila.
"Inoo... parang hindi ko gusto yung iniisip mo."
Inayos ko ang sarili.
"May contact kami ni Haruma dahil dito sa mag-boyfriend na hindi magboyfriend na couple."
Defensive.
Hindi na ko nag-comment dahil biglang sumeryoso ang mukha ni Keito. Lalo tuloy syang nagmukhang---
"Alam mo naman, magulo madalas yang utak ni Yabu. Sa palagay ko, iniisip nya ngayon na mag-quit na sa grupo. Pero alam natin na hindi yun hahayaan ni Yel kaya siguro kahit manligaw ulit si Yabu ngayon..."
"Wala syang 'yes' na matatanggap."dugtong ko.
Tumango si Keito. "Mauna na ko sa loob."
Sa wakas ay naintindihan ko na rin sya. Pero... anong kinalaman ni Haruma?
Hindi na ko nakapagtanong dahil pumasok na si Keito.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...