Traffic 56

75 0 0
                                    

Yabu POV

"Tama naman ba yan?"-Kei

Parang wala naman syang kabilib-bilib sa akin kung makapagsalita sya.

Napatingin ako sa singsing na hawak ko.

"Ikaw ba naka-holding hands nya?"tanong ko sa kanya.

"E di ikaw na nga. Kayo na may couple ring. Inggit na inggit ako."-sarcastic na sabi nya.

"Bracelet naman yung sa yo."-ako

Parang walang narinig si Inoo at ginalaw pa ang singsing sa kamay ko.

Lumapit ang iba.

Naki-chismis.

"Uy! Gusto ko din nyan, Kouchan!"-Hikaru

"Dapat ako din may gifts!"-Chi

Itong batang to, di na nagsawa kakahingi ng regalo.

"Ayaw mo pa ng binigay ko sayo?"-Yamada

Ngumuso si Chi. "Eh binigay lang naman sayo ni Daichan yun."

"Ipinamigay mo yung binigay ko sayo?!"-Daiki

Nasipa si Yamada.

"Balik tayo sa singsing ni Yabu."sabi ni Inoo na kanina pa sakin gusong itutok ang spotlight.

May girlfriend din naman sya, kung maka-react naman to sa singsing na binili ko.

"Ibig sabihin, size mo yung na kay Yel?"-Ryuu

"Close kayo?"-Chi "Mas close kaya kami."

"Anong size ni Yabu ang na kay Mariel?"-Yamada

Napatingin kaming lahat sa kanya. Ang dumi talaga ng isip netong siopao na to.

"Size ng singsing!"sagot nya.

"Defensive ni Yamada..."-Yuto

"Seryoso. Nagpo-propose ka na ba?"-Hikaru

"Gusto mo bang mauna?"

"Oi! Two months--"tumigil sya. "Two months tayong nasa tour. Wala akong girlfriend."

Tumango lang ako.

Hindi talaga convincing tong Sungki nyang ngipin.

"Napanood nyo ba yung Rurouni Kenshin?"bigla ay tanong ko nang may maalala ako.

"OO!!!"sagot ng lahat.

"HINDI."sagot ni Hikaru.

Kahit na alam naming kasama sya sa listahan ng mga nanood ng Rurouni Kenshin noong isang buwan.

"Ang cute ni Takei-san!"-Ryuu

"Oo nga. Cute ni Emi dun."-Yuto

"Emi?! Close ba kayo? Maka-Emi ka, parang may pinagdaanan na kayo."-Hikaru

Napangisi ako habang nakatingin sa kanya. Pinipigilan ko kasing matawa sa itsura nya ngayon. Parang ayaw nyang may pumupuri sa girlfriend nya.

Girlfriend nya ang 18 years old na si Takei Emi. Kahapon ko lang nalaman. Hindi naman sa tsismoso ako pero narinig ko kasi syang may kausap habang nasa dressing room kami.

"Hikaru, cool ka lang. Sinasabi lang naming cute si Emi dun sa movie."-Yamada

"Emi na naman!!!"

"E di Takei. Seloso naman masyado netong sungki na to."-Daiki

"Nagseselos? Hah! Sino ba yang Emi Takei na yan?"

Nanlalaki na butas ng ilong nya kakasinungaling.

"Girlfriend mo!"-lahat

"Yes! May girlfriend na si Hikaru."-Yamada

"Susunod ka na talaga, Gori."-Daiki

"Hindi ako si Gori!"-Keito

"Pero susunod ka na."-Chinen

"Di ba dapat, si Daiki muna?"-Ryuu

Napatingin kami kay Daiki.

"No senks."nakangiwing sabi nya.

Napatingin ako sa cellphone ko nang may magtext. Si Takaki.

Ano na naman problema nitong lalaking to?

Muntik na kong mapamura sa nabasa.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon