-Takaki POV-
"Janken."
Napatingin kami kay Inoo.
Nagtatalo kami kung sino ang magtetext kay Yabu nang biglang sabihin ni Inoo ang proposal nya.
Ayon kay Keito, nakausap nya si Yel kagabi at wala itong balak sumama. Hindi ko alam kung bakit kailangang sumama ni Yel sa Japan.
Yung totoo?
WALA AKONG ALAM SA MGA NANGYAYARI.
Sabi nila, kailangan daw mapigilan si Yabu na pumunta sa bahay nila Yel. Baka daw hindi na naman umuwi kasama namin si Yabu kung malalaman nitong walang balak na sumama si Yel.
Alas-singko ng umaga.
Kakalabas ko lang ng banyo kaya hindi ko alam ang iba pa nilang pinag-usapan.
Pumpwesto kaming siyam paikot sa kama.
"Walang dayaan."sabi ni Chinen.
"Pano nga mandadaya, siyam tayong lahat."sabi ni Daiki.
"Dalian nyo na, nagugutom na ko."reklamo ni Yamada.
"Brad, kakakain lang natin."paalala ni Yuto.
"Dali na!!!"sabi ni Hikaru, kakabangon lang sa kama, may muta pa.
"Pagkatapos nito, maligo ka na."sabi ni Ryuu.
"Ano bang MASS DESTRUCTION yang bunganga mo Yaotome??"
"Ang gulo nyo."sabi ko.
Kinakabahan na kasi ako.
Masyado silang maingay.
Mukhang may hindi magandang mangyayari.
"JANKENPON!"sigaw ni Inoo.
Mabilis na nagbaba ng kamay kaming siyam.
Unti unti silang napatingin sa akin.
Nakangiti sila.
"Bakit?"tanong ko.
Napatingin ako sa kamay ko...
Nag-iisang gunting.
Bato silang lahat.
"AAAAAAAAAH!!!!! MADAYA KAYO!!!"
"Geimu wa geimu darou~"sabi ni Yamada.
"Sorry."sabi ni Ryuu.
Pumasok na si Hikaru sa banyo. Sya na lang ang di naliligo. Mukhang nag-inom sila ni Inoo kagabi. Di ako kasali. Pero ka-join yung grorilla.
Sumakay si Chinen sa likod ko.
"Takaki~~"sabi nya inabot ang cellphone ko.
"Wala akong load."sabi ko.
Bumuntong hininga si Keito. "Sabi na nga ba. Don't worry. Pinasahan na kita."
Keito. Bakit ba lagi kang prepared?
"Anong sasabihin ko kay Yabu?!"
"Magsabi ka ng kapanipaniwalang kwento."
"Malay mo namang sabihin kong nandito si Harry Potter?!"sabi ko kay Inoo.
Tinignan nya ko ng masama.
Pwede bang bawiin ko yung sinabi ko?
Ipapaanod na ba talaga nila ko sa ilog Pasig?
"Sinigawan mo na ba ko?"
Ngumiti ako.
Mukhang hindi nga ngiti... kundi NGIWI.
"Hindi. Labs na labs nga kita."
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfic"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...