-Mariel POV-
'May alam ba kayong solusyon sa nag-overheat na laptop?'
Status ko.
Nag-GM ako.
Yan din yung nakasulat.
Refresh.
Refresh.
Like.
Like.
Comment.
'May laptop ka na? Ang sosyal.'
Ay grabe. Nakatulong yung comment.
Galing kay Keito yung load ko.
Mayaman kasi sya.
Kaya pala magkakasunod yung text. Pasaload naman pala yun.
Ref--
May nagreply.
'Tanggalin mo yung battery. Gamitin mo na parang PC (nakasaksak forever sa outlet). Pag ayaw pa rin, ipakilo mo na lang.'
"Dala mo yung charger?"tanong ko kay Keito.
Itinaas ni Keito yung dala nyang charger.
"Wui, Airi."
"Kuya, nasan si Takaki?"-Airi
Isinaksak ko sa outlet yung charger. Tinanggal ang battery ng laptop.
'Pano na nga 'to?'
"Si Takaki? Mamaya."sagot ni Keito kay Airi.
'Ayun. Natanggal din...'
Isinaksak ko yung charger sa mismong laptop.
'Viola!'
Gumana ang bukbuking laptop.
"Kanino ba kasi yan? Di pa bumili ng bago?"tanong ko.
"Kay Takaki. Nasa loob kasi yung game nya kaya ayaw nyang palitan."
Speaking of...
Dumating si Takaki.
Bitbit ni Chinen.
Baliktad.
Bitbit ni Takaki si Chinen.
Nag-heart na mata ni Airi.
"Okay na?"
Tumingin sa laptop.
"The SEVEN ka talaga Okamoto Keito!!! At dahil ginawa mo ang laptop ko, bibigyan kita ng One Night Stand!"
Ha?
Bakit 'the seven'?
Ah... Gets ko na. HS7 kasi si Keito.
Pero yung One Night Stand...
Nakatingin kaming lahat kay Takaki.
"Ano?"maang na tanong ni Takaki.
Pati si Airi nakatingin din eh.
Yung mukha ni Takaki, mukhang walang masamang ibig sabihin.
"Ano bang One Night Stand ang sinasabi mo?!"
Duet si Chinen at Keito.
"Yung patungan ng gamit. Nilalagay sa gilid ng kama. May lightbulb. Ano ba kayo?"
Sabi na nga at wala syang ibang ibig sabihin.
Sadyang mali lang ng term.
"Night Stand yun, baliw!" -Keito
"Bakit gusto mo ba, dalawa? Two Night Stand?"
Natawa na kami.
Langyang Takaki.
"Ang laptop ko... Ang lahat ng video... Games... Kanta..."
Niyakap ni Takaki ang laptop.
Namatay ulit ang screen.
Adik kasi.
Nahugot sa saksak.
Umiyak ulit sya.
"Mariel may bumibili!!!!"
Sigaw ni mama sa labas.
Si Keito ang lumabas sa tindahan.
Tae. At home na at home.
"Uy Keito! OJT ka dito?"
Napasilip kaming lahat.
Ano ba yan.
Ang daming gwapo naman sa bahay namin.
Buti nasa labas yung isa. Di na kami kasya dito sa loob. Ang taba ni Takaki.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...