-Yabu POV-
"Bakit ka napatawag?"
Naupo ako sa tabi ni Hikaru saka binuksan ang dala kong takoyaki.
"Hmmm?"
Nagugutom na ko. Kung bakit naman kasi gabing gabi na, saka naman naisipan nitong tawagan ako.
Tutal, interesado din ako sa sasabihin nya, pumunta din ako. Para kasi syang lutang kanina habang nagpa-practice kami. Baka inlove.
Napangisi ako sa naisip.
Imposible.
Sa akin yata may gusto to e.
"Hoy kung wala ka naman palang sasabihin, uuwi na ko."sabi ko habang ngumunguya ng biniling pagkain.
"Hindi mo pa rin tinatawagan si Yel?"
Napakunot noo ako.
Yel...
Ayokong tumawag ng madalas. Baka lalo lang ma-miss yun.
Hindi rin ako nagbubukas ng mail.
Ano na kaya nangyayari sa babaeng yun?
Napatigil ako sa pagtusok sa takoyaki.
"Hindi pa. Ulit."sabi ni Hikaru saka tumusok ng pagkain mula sa hawak ko saka idiniretso sa bibig nya.
Bakit ba biglang naging interesado ito sa amin ni Yel?
"Kou-chan... Kung hindi mo aalagaan mabuti ang sayo... Baka may ibang kumuha doon."
Sino naman?
Si Chinen?
Si Keito?
Si Miura?
Si Shoon?
Si Takaki?
Nilingon ko si Hikaru.
"Pupunta akong Pilipinas bukas."
Bukas...
Sabi nya kaninang nagpaalam, sa isang araw pa sya aalis?
"Pero sabi mo..."
"Anong gagawin mo, kung sabihin ko ngayong si Yel ang dahilan kaya ako pumayag na bumalik doon?"
Natigilan ako.
Napatingin ulit ako kay Hikaru.
Hindi ko alam kung pinipilit nyang hindi tumawa o seryoso talaga sya. Pero parang kahit alin sa dalawa, nangangati ang kamao kong suntukin sya.
Pero may hawak akong takoyaki.
Sayang ang pagkain.
Baka masabon pa ko pag nagkaroon ng pasa si Hikaru.
Tumayo na si Hikaru.
"Sige, uuwi na ko. Kailangan ko pang mag-empake."
Hindi ako nagsalita hanggang sa nakaalis na sya...
"Hoy! Yabu-kun~~"
Napalingon ako kay Chinen.
Natigil ako sa pagpa-flashback ng naging usapan ni Hikaru noong bago sya umalis. Apat na araw na syang wala. Mamayang gabi pa ang balik nya.
Sa pagkakaalam ko.
Napataas ako ng kilay ko kay Chinen dahil kulang sila. Inayos ko lang ang gamit ko, nagkulang na ng isa.
"Si Inoo?"tanong ko.
"Sabi nya, di mo naman daw mapapansin na nakaalis na sya dahil kanina ka pa tulala."
"Saan sya pumunta?"
"Sa girlfriend daw."
Napalingon ako kay Takaki.
Nakasimangot ito.
Di ko alam kung itutuloy ko pa ang galit ko sa pagkawala ni Inoo o pagtatawanan si Takaki sa itsura nya.
"Wew. Selos lang, Takaki?"sabi kaagad ni Yamada.
"Kay Yamada ka na lang."pang-aasar ni Daiki.
Tumayo na ako bago pa sila mag-away dahil nag-umpisa na naman silang magkagulo.
"Ah... Yabu-kun...?"
Nilingon ko ulit si Chinen.
"Hindi mo pa ba tinatawagan si Yel?"
Napabuga ako ng hangin.
Parang silang lahat, yaan ang tanong sa akin.
Kung twitter lang to, trending na yan.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...