Traffic 63

86 3 1
                                    

an: OMATASE SHIMASHITA~!!!

----

-Mariel POV-

'Bakit di ko makita si Yabu?'

'Ano na nangyari kay Yabu?'

'Bakit wala sya sa shooooooooooooow? Nasaan na si Yabu? Namimiss ka na ni Hikaru.'

'Inoo, anong ginawa mo kay Yabu?'

Hindi ko alam kung bakit ako nagi-guilty habang tinitignan 'tong mga status at tweet ng mga friends kong fangirls.

Kasalukuyan akong nasa computer shop para mamirata ng shows at yung mga ibang namiss kong drama. Next time na ko bibili. Pag may pera na ko.

"Tungek tungek naman din kasi nung Yabu na yun. Pwede namang sa kwarto na lang kami buong araw."bulong ko sa sarili ko.

Tinitigan ko ang screen.

Sabay buntong hininga.

Hindi ko alam kung nakakailan na ko pero hindi ko mapigilan pag wala akong makitang paparazzi pics ni Yabu during concert.

Tumunog ang cellphone ko.

Parang automatic ang mata ko na naghanap ng orasan.

"Hello?"sagot ko.

"Oh, moshi moshi, Yel?"

"Bakit?"tanong ko.

"Nasaan ka?"

Kakalabas ko lang bahay, tinatanong na kaagad kung nasaan ako.

"Nasa computer shop ka?"halos pasigaw na tanong ulit nya.

"Bakit nga kasi?"tanong ko.

Narinig kong umubo sya. "Lalabas ako."

"Okay."

Lalabas naman pala. Mabuti yun. Nang hindi ako lagi ang napagbubuntunan nya ng pagkainip. Saka alam kong mahal ang phone cards sa Japan. Oo mayaman sya, pero hindi naman tamang maya't maya syang tumatawag.

Tama. Si Yabu Kota nga ang tumatawag.

"Okay lang?"tanong pa nya?

Ano bang dapat sabihin pag nagpaalam na aalis sya?

"Ingat... ka?"sabi ko.

Baka sabihin kasi nito, walang kwenta akong girlfriend.

"Haaaaaa?"

"Bakit?"

"Hindi mo man lang ako tatanungin kung saan ako pupunta, o kahit sino kasama ko o kung ano gagawin ko?"

Arte nitong lalaking 'to. Hindi ko nga alam kung anong sasabihin sa kanya. Natutuwa nga akong aalis sya para magpahangin, libangin ang sarili nya, tapos, magagalit pa sya sakin?

"Alam mo, yobo--- este Yabu, hindi ka naman siguro mag-iinom ng ganitong oras. Hindi ka rin mambababae dahil nga sa nangyari."

"Gusto ko yan."sabi nya sa kabilang linya.

Naiimagine kong nakangiti sya ngayon, walang mata, nakatingin sa malayo, may telepono sa tenga at mukhang tanga.

"Anong gusto?"

"Yung 'yobo'."

Takteng 'to. Mukhang naturuan pa yata ni Yamada ng Korean 'tong si Kota.

"Abot na nga dito yung pagkakangiti mo."

"Uhn."

"Pero seryoso ako. Mas okay nga na lumabas ka. Nang hindi ako lagi ang kinukulit mo."

"Ayaw mong kulitin kita?"

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon