Traffic 16

89 1 0
                                    

-Mariel POV-

Pano naman ako makakapag-Facebook ng maayos kung nasa likod ko lang naman yung dahilan ng pag-online ko?

Titig kay Facebook.

Refresh.

'Ampogi ni Shoon dito...'

Isa sa mga lumilipad na notifications.

Pag nag-photoshop ako...

Pagmumukha lang din nila ang ie-edit ko.

Ano ba namang buhay 'to.

Mas mahirap pala pag katabi mo lang yung fandom mo.

Nakaka-pressure.

Ang sungit pa ng aura nya.

Parang kakainin ako pag nagtanong ako.

Yung kakainin na idea...

In a way na ewan, gusto ko.

Hala...

Ano na naman bang agiw ang pumasok sa utak ko at madumi na naman.

Wala pa naman akong nababasang smut sa mga panahong ito.

Nakatingin lang ako sa reflection nya sa screen ko.

'Online ka. Anong meron? Mayaman ka na? O may computer na kayo?'

Lumilipad na notification ulit.

'Na-stuck kasi yung puso ko sa lalaki sa likod ko.' -utak ko.

Napatingin ulit ako sa screen.

Nakatingin sya?

Guni-guni ko lang.

Tumunog cellphone nya.

Shoon daw.

Gusto kong lumingon.

Gusto kong makiusisa sa usapan nya sa cellphone.

Waaaaaaaah.

Stalker na ba ko?

Di pa naman di ba?

Di ko naman alam na pupunta pala sila dito.

Ni hindi ko nga alam na si Takaki yung nagcocomputer sa likod ko.

Kundi pa sumigaw ng pa-extend.

Open time naman pala sya.

Nagaya lang sa mga batang naglalaro bago sya.

Hanggang sa matapos si Keito sa ipinagagawa ni Takaki.

I-add daw sa 'kin yung natirang time.

Ang dami kaya nun.

Baka abutin ako ng kinabukasan dito.

Mapapagalitan ako ni mama.

Tumayo si Yabu.

May pumasok sa shop.

"Yabu!"

Napatingin ako sa pumasok.

Haruma Miura...

Sparkling na yung mata ko.

Yabu plus Miura.

Heaven na ba 'to talaga?

Sumilip sya sa loob.

"Oi, miss! Hello!" -Miura

Sa akin sya nakatingin.

Ako lang ang nag-iisang babae sa shop.

"Ay! Sya yung nag-shooting dito nung nakaraan, di ba?" -kuyang nagbabantay ng shop.

'Sya nga kuya. Ang genius mo!'

"Haruma, nambabae pa-- Ay miss, salamat last week!"

Si Shoon.

Si Shoon nga yung si kuyang kamukha ni Jake Vargas.

Ang liit ng mundo.

At ang liit ng computer shop. Parang hindi sila kasya.

Lumayas na sila.

Itinulak nung masungit na walking stick.

Badtrip.

Minsan na nga lang makita silang tatlo, aalis pa kaagad.

Di pa ko nakakapag-welcome dun sa dalawa.

Siniko ako ni Keito.

"Okay ba?"

Waaaaaaaaaaaaah.

Ang bait talaga ni Keito.

"Maraming maraming maraming ARIGATOU!!!!!!"

Natawa sya.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon