Traffic 66

72 1 0
                                    

-Haruma POV-

Kanina pa ko nakaupo sa loob ng convinience store. May inaantay kasi akong exciting. Yung parang mga nangyayari sa ilang movie na ginawa ko. Pero ibang istorya.

Hindi sinasadyang nakita ko yung eksena kagabi. Naligaw kasi ako. Kaya naisipan kong tumambay muna sa konbini. Nawalan pa ng charge ang cellphone ko pagkatapos kong itext si manager para sunduin ako.

Kumakain ako ng cup noodles nang pumasok si Yel. Tatawagin ko na sana sya pero may laman pa ang bibig ko nang pumasok naman si Yabu. Akala ko nga, secret date pero pagkatapos ng usapan nila ay tahimik silang lumabas ng konbini.

"Para naman akong papparazi."bulong ko sa sarili ko.

Busy ako sa pagtingin sa labas nang may marinig akong buntong-hininga.

"Uwaaaa!"nagulat na sabi ko.

"Yo."sabi ng singkit sa harap ko.

Sino naman ako para sabihang singkit 'to, e singkit din naman ako?

May takoyaki syang pinaglalaruan sa harap nya. Naka-unusual na maluwag na shirt at walking shorts. Naka-tsinelas at walang ayos sa buhok. Nakasuot din ng salamin sa mata.

"Ano ginagawa mo dito?"tanong ko.

"Napag-utusan akong sundan si Yabu."sagot nya.

"Bakit ikaw? Saka, pano mo naman nalaman 'to?"

Napakunot noo sya. "Malamig kaya sa labas..."napatigil sya sa pagsasalita. "Ibig mong sabihin, dito ang punta nya?!"

Habang nagwawala si Keito ay nakita ko na si Yabu na papunta sa konbini.

May kasunod na bata.

"Ssshhhh!!! Tumahimik ka. Ayan na sila!"

"Bakit nga pala nandito ka?"pabulong na tanong ni Keito. Pumasok na kasi yung dalawa.

"Kasi nga, nakita ko sila dito kahapon."

"Ang stalker mo!"

"Nauna kaya ako sa kanila. Saka, ang gwapo ko kaya!"

Natawa sya. "Ang kapal talaga ng mukha mo."sabi nya saka sumubo ng takoyaki. "Ano ba nangyari? Bangag kasi si Yabu kanina kaya pinasundan nila sakin."

Iniisip ko kung ibibigay ko ng libre ang impormasyong nasagap ko o ibibitin ko sya na parang writer ng fanfic.

"Kasi nga, narinig ko kagabing magbe-break na sila."

"Haaaaa?!"

"Shhhhh!!!" Nilingon ko yung dalawa. Busy sila sa sarili nilang mundo. Tumusok ako ng takoyaki na kinakain ni Keito.

"Kota, alin bibilin ko?"

"Kahit alin na kasi. Ako naman magbabayad."

"Kay ate nga 'to."

"Ang gulo nila."bulong ko kay Keito.

"Akala ko ba, break na?"

"Yun din ang alam ko pero inihatid pa yata sya ni Yabu hanggang dun sa tinutuluyan ni Yel."sabi ko saka kinain ang takoyaki. "Sarap nito! Saan mo nabili??"tanong ko.

Ngumisi si Keito. "Sa tulay. Masarap 'no?"

"Miura? Keito?"

Hindi kami lumingon.

"Ingay mo kasi e."paninisi ni Keito.

"Masarap kasi yung takoyaki."

Inakbayan ko si Keito.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon