Traffic 36

85 0 0
                                    

-Yabu POV-

Gaano ba kalaki ang bodega ni Yel sa tsan nya?

Sumuko na si Takaki sa pagkain.

Sumuko na si Yamada.

Sumuko na si Daiki.

Si Hikaru na lang yata kasabay nya.

"Ayaw mo na, Takaki?"

Nang-iinggit lang sabi nya saka pinadaan ang kakabili lang na siomai sa ilong si Takaki.

"Masarap 'to. San nyo nabili?"

Tanong ni Hikaru habang May laman pa ang bibig.

"Sa kabilang kanto. With free pantinga."

Tumusok ulit si Mariel ng isang siomai.

"Seryoso yan?" 

OA na sigaw ni Yamada nang isubo ni Yel yung siomai.

"Feeling ko, kasama natin ni Gyaru Sone."-Daiki

"Hala! Pinabili nyo pa kaya kami ni Kota sa baba."

Sarap pakinggan.

Nung 'Kota' pag sya nagsasabi.

Nakatingin sa kin si Daiki.

Nang-aasar.

Kanina pa yan.

Sya din pasimuno na pabilhin kami ni Yel ng siomai sa labas.

Pagbalik namin, sabi nila,

"Takte, parang mag-amang tumatawid lang ng kalsada."

Ang sama ng mga 'to.

Kain nang kain si Yel.

Walang katapusan.

Anong oras na ba?

Napatingin ako sa oras.

Pagabi na agad?

"Yel."tawag ko sa kanya.

"Wiiiiiiii..."-Yuto

"Kileg to teh bones!!!"-Takaki

"Ang swet naman ni pareng Yabu."-si Inoo saka nakitusok ng siomai

"Hmmm?"

Namumula na naman si Yel.

Ang kulit kasi ng mga 'to.

"Uwi na."

"Boooo." -Keito

"Walang ka-sweet-sweet."-Hikaru

"Sabihin mo, Darring..." -Yamada

"Teka. Inom lang ako."paalam ni Yel.

Tumango ako.

"Wag kayong magpapatawa!"

"Mag-ama ba?"

Sinipa ni Yel ang nagsalitang si Yuto.

Tumayo na sya.

"Lika na?"

Wala nga palang elevator.

"Pahinga ka muna."sabi ko.

Medyo maaga pa naman.

"Keito, text mo si tita, ihahatid natin si Yel mamaya."

Inilabas ni Keito ang cellphone.

Laging unli?

San kaya kumukuha ng load 'to?

"Dito ka maupo."

Gusto ko yung pwesto namin kanina.

Kundi ko lang talaga narinig yung nagkakagulo sa pintuan kanina.

Oh well, nakahalik naman ako.

Isa.

Pwede na yun.

Naupo sya sa tabi ko.

Sino naman may sabing sa tabi kita umupo?

Binuhat ko sya saka pinaupo sa pagitan ng hita ko.

"Sheeeeeet!!!"-Takaki saka ako sinipa sa likod ko.

"Lantarang pang-iinggit."-Daiki

"Harapang pagpapaselos!" -si Hikaru sabay tingin kay Inoo

"Gagu. Pano ka naman?"-Inoo

Wala akong pakialam sa inyo.

Niyakap ko ang bewang ni Yel saka yumuko ulit sa balikat nya.

Ang baba.

Masakit sa batok.

Napahawak ako sa tsan nya.

Medyo lumaki.

Pano kaya pag may baby?

Ano ba yang mga naiisip ko.

Kinikilig ako kalalaki kong tao.

'Underage.' paalala sa kin ng utak ko.

"Ah! May naalala ko."-Inoo

Napatangin ako sa kanya.

Kumunot noo sya.

"Mamaya na nga."

Parang nakahingang maluwag yung iba.

Ako?

Parang may alam silang hindi ko man lang nalalaman.

Ano na namang pakulo ng mga 'to?

Ewan.

Bahala kayo.

Mas masaya ako dito.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon