Traffic 10

118 4 1
                                    

-Mariel POV-

Totoo nga?

Titig.

Titig.

Nakangiti na si Daiki.

Parang di sila kasya sa pwesto namin.

Gusto ko sila ipasok sa kwarto.

Waaaaaaaaaaah.

Pero hindi pwede.

May malaking poster dun ang pagmumukha ni Yabu.

"Keito..."

Lumingon sakin si Keito na busy sa pagtingin ng mga nakasabit sa tindahan.

Camera...

Gusto ko silang picture-an.

"Yes?" -Keito

"Pwede pahawak?"

Nakatitig sya.

"Isa lang."

Natawa sya. "Sige lang."

*poke*

Totoo nga.

Ang gwapo.

Gusto kong gumulong sa sahig. Pero kailangan ko pa silang interviewhin.

"Bakit bumili ka ng uling?"

Wala akong masabi.

Yan lang.

Pasensya na.

Kakagising ko lang kasi.

Bumabanat pa ko ng Vampire na napirata ko sa computer shop.

Tumawa si Keito.

"Nag-camping kasi kami for photoshoot."-Keito

"Oh? Buti di kayo nilamok?"

Tumawa sila pareho.

"Si Inoo!"

Sabay sila.

"HAHAHAHAHAHA!!!"

Panis.

E di sila na nagkaintindihan.

"Ayaw kasi ni Inoo nung mosquito repellant na lotion baka daw masira ang kutis nya. After ng shoot, polka-dots na sya."

Tawa nang tawa si Daiki.

Pag nautot yan, kasalanan ni Inoo.

May nagtext sa cellphone ko.

Hindi ko pinansin.

"Okay naman kayo dito?"

Ngumiti sila pareho.

"Malling sila lahat ngayon." -Daiki

Isa pang text.

Isa pa.

Ang kulit.

"Excuse me ha."

Kinuha ko ang cellphone.

'May show sila Shoon sa SM North mamayang 3PM.'

Sunod na text.

'May exam ako. Gusto ko makita si Reon DX.'

Hala.

Kailan pa ko ni-ninja ni Shoon?

Bakit hindi ko alam na may show sila mamaya.

Gusto ko pa makasama sila Keito at Daiki.

Maaga pa naman.

Pwede pa yan.

Type. Type. Type.

'May bisita ako. Shoon~ antayin mo ko.'

Status at tweet ko.

"Nandito daw si Shoon?"

Tumango si Keito.

Ano ba yan?!

Maski si Keito, alam na nandito si Shoon.

"Actually, magkasama sila ni Yabu noong isang araw." -Keito.

"Di ba, isosoli nya ngayon yung damit ni Shoon?" -Daiki

Buong JUMP...

Si Haruma...

Si Shoon at Reon...

Mababaliw na ko.

Ang saya ng buhay ko.

Pero wala akong ma-share-an bukod kay...

Mama.

At twitter.

No.

Erase that.

Alam ko, secret lang yung pagpunta ng JUMP dito.

Bahala na yung fangirls na maloka na naman.

Kawawa pa naman sila pag pinagkaguluhan dito.

"Wala bang balak si Johnny Kitagawa na pag-concert-in kayo dito?"

Ngumiti lang silang dalawa.

See?

"At dahil ayaw nyong sagutin ang tanong ko... Pa-autograph!"

Inabot ko ang isang notebook sa kanila.

Panaginip ba 'to?

Dito na lang ako.

Ayoko nang humiling ng buong AMUSE. Ito palang, masaya na ko. Kung lahat pa kaya.

Wala si Taiyou.

Sayang. Di kumpleto ang Ya-Ya-Yah.

Di bale. Si Keito mabait naman nandito.

Kating-kati na ko.

Kanina ko pa yun gustong itanong.

Busy pa sila sa pagpirma.

Ayan. Tapos na.

Binalik na nila sa akin yung papel.

"Pwede ko ba kayong picture-an?"

Sa wakas ay tanong ko.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon