-Keito POV-
"Yabu-kun, si Hikaru?"
Napatingin kami kay Chinen.
Seryoso tanong nya?
Alam ko, in-announce ni Hikaru na may pinaaasikaso sa kanya somewhere.
Somewhere.
Hindi nya kasi sinabi ang eksaktong lugar.
Baka may bagong drama?
Pero busy kami sa practice kaya hindi tumanggap ng projects para sa mga drama, sa ngayon. Liban kung cameo.
"Di ba nagpaalam noong isang araw?"
"Hindi nya sinabi kung saan. Baka yun yung tinatanong ni Chii."-Inoo
Pagbubulungan nila Inoo.
"Haaaai!!"nakangiting sagot ni Chinen kay Inoo.
Curious din ako kaya napatingin din ako kay Yabu.
"Ano ba malay ko."
Ayan ang sagot ni Yabu na hindi tinatanggal ang mata sa pagtitig ng screen ng cellphone nya.
"Magkasama kayo pagkatapos nyang mag-announce, hindi ba?" -Inoo
Hindi sumagot si Yabu.
"Oo nga! Seryoso pa nga kayong magkausap---"
"Kuso!!"
Napaatras si Chinen, Ryuu, Yuto at ako.
"Hoy Yabu-kun."-Daiki
"Hindi nya sinabi kung saan sya pupunta. Tsk! Na-gameover tuloy. Nasa 17 million na e..."
"Nagulat naman ako." -Takaki
"Akala ko importante." bulong ko.
"Temple Run lang pala!" -Yamada
"Hindi pa ba tayo magpapractice?" -Takaki
Napalingon kaming lahat sa kanya.
"HINDI BA IKAW ANG MAY KAILANGAN NUN??"
Chorus kaming lahat.
Napaatras sya.
"Galit agad? Nagtanong lang."
"Seryoso, Takaki, ikaw pa talaga ang may ganang magtanong nyan." -Daiki
"Pag nagpapractice naman, abot ang reklamo." -Yamada
"At sayo ko pa talaga narinig yan, Taba?"
"Hindi ako mataba!"
"Siopao lang."
"Siopao na pisngi."sabi ni Chinen saka tinusok ang pisngi ni Yama.
Napahilamos ng mukha si Yabu saka inilapag ang cellphone sa lamesa.
"Practice na."
"May problema?"
Hindi ko na mapigilan magtanong. Baka kasi mapag-initan nya pa kami.
Gusto ko pang mabuhay.
Babalik ako ng Pilipinas.
Nilingon nya ako.
Hindi sya sumagot.
Ni hindi ngumiti.
Anong nangyayari?
Hindi ko din alam.
Pero mukhang front lang nya yung pagte-Temple Run.
Gusto nya talaga kaming bulyawan.
Kakatakot pa naman 'tong lalaking to.
"May gusto ka ba kay Yel?"tanong ni Yabu sa akin.
Napataas ang kilay ko.
Pero seryoso sya.
Bakit may ganyang mga tanong na naman?
Anong problema ng matangkad na lalaking to?
'Ano, Keito? Sasagot ka ba?'tanong ng utak ko sa akin.
Hinahamon yata ako ng suntukan ng utak ko.
Naalala ko na naman ang usapan namin ni Haruma pagkatapos naming sabihin kay Yabu na nakita ni Yel ang picture nila ni Tegoshi sa internet.
Tinitigan ko si Yabu.
Seryoso.
Pagkatapos ay ngumiti ako.
"SHIT!!"-sigaw nya.
Pigil na tawa ko.
Ang saya pala pakabahin ng ganito si Yabu Kota.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...