Traffic 53

77 0 0
                                    

-Mariel POV-

Two months and one week na mula nung huli kong makita si Yaotome Hikaru.

Jino-joke lang daw nya si Yabu sabi nya sa akin noong nilibre nya ko sa paborito nilang fastfood: McDo. Napikon daw si Yabu kaya tumakas na sya. Saka... mukhang may girlfriend na si Yaotome. Sparkling sya masyado. Makasabog ng 'inlove' na aura, hahawahan pa ko. Ni hindi nga nagpaparamdam yung mapayat na Yabu na yon.

Noong huling punta dito ni Yaotome, mukhang madami syang inasikaso kaya di rin kami masyadong nakapag-usap bukod sa pangungulit nya nung mga unang araw.

Walang phone call o maski isang HI message man lang sa email ko.

Alam kong busy sila pero parang nakahanap lang ng laruan yung Kotang inasal na yun.

Seryoso ba sya?

Kung hindi, tatandang dalaga ako dito kakaantay sa kanya.

Haaaaachoooooo!

Pinunasan ko ang ilong ko. Sino ba nakaisip sakin at binabadword pa yata ako?

Facebook...

Tahimik sa personal account ko.

Kung buksan ko kaya yung isang account?

Nope?

Baka bahain na naman ako...

'JUMP JUMP in the Philippines'

Iyan ang bumungad sa akin. Di nag-iisip na naitype ko na pala ang email address at password ko.

'Baka naman joke lang?'tanong ko sa sarili ko.

Hilig pa naman sa false alarm ng mga fangirls. Katulad nung mga fake translations.

Saka kung nakabalik na sila... Dapat tinawagan nila ko.

'Shet ka, self. Importante?'sabi ko sa sarili ko.

Binasa ko ang mga comment.

'Kahapon pa dumating sa airport ang JUMP.'

'May mga sumalubong na fangirls~'

'Sumama ko! Ang gwapo nilang lahat. Mali, gwapo yung 9, maganda si Inoo Kei! *confetti*'

'Sana ako na lang yung nasa maleta ni Yuri. *heart*'

'Tangeeek, di ka kasya.'

"Guuuuuuuh..."

Di ako makatili. So, totoong nandito ang JUMP?

Di na nila ko love?

Bakit di man lang nila ko kino-contact?

'Gorilla ka talaga, Okamoto.'

Status ko.

'Laki ng galit, may pinagdadaanan?' comment ng isa.

Nag-log out na ko.

Sa twitter na lang.

Yun din ang balita.

Sige, magtreding man kayo, bitter pa rin ako.

'Payatot ka Yabu Kota.'tweet ko.

Di pa ko nakuntento. Dinamihan ko pa ang tweet ko.

'Nabuntis si Takaki ni Yamada.'

'Ate si Inoo.'

'Mukhang drum stick si Yuto.'

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon