-Yel POV-
'Pupunta ka sa SZ con?'
'Ui, sama ka sa SZ concert?'
Halos ganyan ang nakikita kong mention sa twitter.
Meron din sa facebook. Marami kaming naka-tag.
Wala akong mapagsabihan na pupunta ako sa concert.
Bukod sa nag-aya sakin at sa nanay ko.
Baka kasi bigla pa nila akong ayain na maki-join sa grupo nila. Di ko naman sila pwedeng samahan, nailibre na nga lang ako, iiwan ko pa ba si Haruma?
"Yel, nakabihis ka na?"
Si Haruma. Kakapasok lang sa bahay, yun agad ang tanong. Nakasuot lang sya ng brown na walking shorts, green na t-shirt. Mukha na syang puno. Puno na may nunal.
Hindi pa ko nakakasagot, nag-ring naman ang cellphone ko.
"Hello."sagot ko.
"Pupunta ka?"tanong ng babae sa kabilang linya.
"Saan?"
"Concert ng Sexy Zone. Sama ka samin kung pupunta ka."
"Ililibre mo ko?"nakangising tanong ko.
"Ng uchiwa ni Fuma."
Nanlaki ang mata ko. "Pupunta ako pero kukunin ko lang sayo yung uchiwa ni Fuma."sabi ko.
"Deal."
Pagkababa ng linya ay nilingon ko si Haruma.
"Maligo ka na."sabi nya.
"Naligo na ko kagabi."sabi ko.
"Hindi kita isasama. Hahatak nalang ako ng sasama sakin sa labas."
Ngumuso ako.
Bakit ba?
Sya nga---
"Naligo ako."
Putol ni Haruma sa iniisip ko.
"Sige na nga."
Tumayo na ko, kumuha ng twalya at pamalit na damit.
May tatlong oras pa bago ang concert pero kung aantayin ko pa ang pagkukunan ko ng uchiwa ni Fuma, sakto lang na nandoon na kami ni Haruma.
Mabilis lang akong naligo saka nagbihis.
Matagal lang naman ako kung si Yabu ang mag-aaya sakin lumabas kahit sa McDonalds lang naman kami pupunta.
Napatigil ako sa pagbibihis dahil sa naisip.
Bakit ba Yabu na naman?
Kelangan nating mag-move on Mariel Kaye.
Paalala ko sa sarili.
Kinatok ako ni Haruma sa kwarto.
"Dalian mo na. Wag mo nang isipin na si Yabu dapat ang kasama mo."
"Ano ba?! May ESP ka ba!?"sigaw ko mula sa loob.
"Di mo ba ibababa yang poster ni Yabu bago ka magbihis?"
"Pakialam mo?"tanong ko pagkabukas ng pinto.
Ngumiti si Haruma. "Namimiss na nya kaagad si Yabu."
"Ewan ko sayo."
Lumabas na ko ng kwarto. Isinara ang pinto.
"Ano yan?"tanong sakin ni Haruma.
Hindi ako nagdala ng camera. Kailangan kong lasapin ang moment at ang panlilibre ni Haruma.

BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfic"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...