-Mariel POV-
'Lechugas na Su.Ri.Ru perf yan. Naiwan na yata sa concert stage ang puso ko.'
Status sa News Feed ng facebook ko na may 97 likes at 157 comments.
Tapos na ang concert ng JUMP. at kasalukuyan akong naiinggit sa mga status nila sa facebook, tweet sa twitter at blogpost sa tumblr.
Bakit ba kasi nandito ako sa Tawi-Tawi? Joke lang. Nasa Cebu pa rin ako.
Nakakaiyak lalo na at ang daming mention sa akin sa facebook. Nang-iinggit lang talaga sila. At pabalik na nang Japan ang JUMP ngayong araw.
Si Takaki palang ang nakita ko ng personal ngayong bumalik sila.
Si Takaki na naharang daw ng fans sa airport. Kawawang buntis. Buti hindi nakunan yun sa sobrang stress.
Bakit hindi mo man lang ako pinuntahan, Kota? Akala ko ba, 'I love you'?
Naghulog ulit ako ng piso. Yes, piso net is just so awesome.
Ayoko na mag-facebook. Nag-log out na ko. May mga feeling friends na naman kasi na nag-tag sa akin sa kung anu-anong photo post nila.
"Ang boring naman."bulong ko.
Ilang piso na ba ang nasasayang ko sa pagtitig lang sa mga to? Mga post na iniinggit ako dahil hindi ako nakapunta sa concert.
Tinapos ko lang ang time ng piso ko saka ako tumayo. Dala ang bag saka balak kong dumiretso sa bahay.
Bakit kaya di man lang ako bisitahin ni Kota? Kahit gayahin lang nya yung ginawa ni Takaki.
Speaking of Takaki.
Mali kaya yung singsing na ibinigay ni Kota?
Napahawak ako sa pendant ng kwintas ko. Ang laki e. Kahit sa hinlalaki ko, hindi to nagkasya.
At... Hindi sya silver. White gold yung singsing!
Ano ba kasi to? Wedding ring? Wala naman akong natatandaang may pinirmahan ako nung magkasama kami.
At...
Anong kasal kasal naman tong iniisip ko? Seventeen palang kaya ako!
Ahhh... Nababaliw na ko.
Nababaliw kay Kota Yabu payat na feeling na may maskels sya na boss ng mga yakuzang JUMP.
Halalala...
Ano to, fic?
Makasulat kaya mamaya?
Wag na pala. Tinatamad nga pala ko kasi hindi ako nakanood ng concert ng JUMP.
Kung pakasalan ko na lang kaya si Kenshin?
Napangiti ako.
Medyo magandang idea yung naisip ko.
Sinipa ko ang di kalakihang bato na malapit sa paanan ko.
Onti lang.
Isang sipa pa.
Ta~
Ke~
Ru--
Nabangga ang bangs ko.
Harang harang naman sa daan tong poste---
U-lalalalalaalala!!!!
"Bakit nandito ka?!"
Feeling ko aabot na hanggang Malaysia ang sigaw ko.
Tinaasan nya ako ng kilay.
"Ikaw lang ba ang may karapatang tumapak sa lupain ng Cebu?"
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...