-Hikaru POV-
"Tapos sabi ni Inoo: MISS, WALA NA BANG CD NG KISUMAI? Sabi nung saleslady, AY MA'AM, NAUBOS PO KAHAPON."
Nagtawanan ang mga kurimaw habang nakasimangot na kinagatan ni Inoo ang hawak na pizza.
Kakagising ko lang.
Sinipa kasi ni Inoo yung pwet ko.
Saka ako dinaganan ni Daiki.
Wala na si Yabu.
Huhuhuhu.
Iniwanan na nya ako.
"Hikaru, anong masasabi mo sa pagtatanan ni Chinen at Yabu?"
Nilingon ko si Takaki.
Gabi na kasi.
Di pa umuuwi yung dalawa.
Nasan ba yun nakarating?
Ang alam ko, magkatabi kaming natulog ni Yabu nung pagkauwi namin galing kina Miura.
"Ang masasabi ko lang ay... Kakasuhan ko sya ng adultery at child molestation."
"Ha? Mole Station?"
BWAHAHAHAHAHAHA.
Minsan, di ko alam kung san nadampot ni Takaki yung laman ng RAM ng utak nya.
"Ikaw, ate Inoo--"
Na-spartan kick si Yamada.
Mula nang mapunta kami dito, wala na yatang tumawag ng kuya kay Inoo.
Napatingin ako sa T-shirt ni Inoo.
Wala naman sanang boobs.
Tumabi ako kay Inoo saka kumuha na ng pizza.
Eto ang pinakamamahal naming SUPPER.
SUPPER-ing.
"Ikaw Daiki--"
Nasipa si Takaki.
Mukhang uso ang sipaan ngayong araw.
Kanino kaya mai-try yung sa kin mamaya?
"Porke may Inoo ka nang ka-date kanina--"
Si Inoo naman ang sumipa kay Takaki.
"ARAAAAAAAAY!!!! SUMOSOBRA NA KAYO!!"
"Ang dami palang kabit ni Yabu." -Yamada walang tigil sa pagpindot sa PSP
"Wala pa si Ryuu." -Yuto
"HAAAAAAAAAAAAAA?!"
Napatingin kaming lahat kay Keito.
Hawak nya ang cellphone.
Napatingin din sya sa amin.
Kanina ko pa sya nakita pero text lang sya nang text kanina pa.
Bastos na bata.
"Ano na naman yan, Okamoto?" -Inoo
Sumenyas lang sya na wag kaming maingay.
Nakinig sa kausap.
"Saan naman sila matutulog?!"
Tumahimik ulit sya.
Sino naman ang kausap nito?
"Hello?! Yel! Hello? Yel--"
Natahimik na naman si Keito.
Ano ba meron?
Di ako updated.
Ayoko nang uminom.
Nahuhuli ako sa balita.
Kain.
Kain.
Kain.
Nakaabang kami kay Keito.
"Yabu-kuuuuuuun!!! Ano ka ba? Pabalikin si Chii. Hindi samahan syang mag-sleepover."
"HAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA?"kaming lahat.
Nagkatinginan kami.
"SALI KAMI!!!"
"SLEEPOVER. SLEEPOVER."sabay sabay pa rin naming chant.
Napatingin sa amin si Keito.
"Baliw. Saan naman tayo matutulog dun? Katabi ng mga manok?"
"Basta ako, katabi ko si Yabu."-ako
"Hello?!"
Nasa mukha ni Keito ang "SHIT PINAGBABABAAN AKO."-look
Ano meron?
Sino yung Yel?
Ah... yung babaeng kinukwento ni Yabu kagabi.
Bakit nga ulit?
Ay oo nga pala.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...