-Shoon POV-
'Mas magandang lalaki ako dun sa Jake Vargas.'
Yun ang nasa isip ko nang isearch ko ang pangalan na yun sa net.
Mula nung dumating kami dito noong isang araw, tinatanong nila ako kung ako daw si Jake Vargas.
C-in-lick ko ang isang video.
One hundred years bago mag-load. Kabagal ng internet connection dito.
Geeeeeeh...
'Mas maganda pa boses ko dito.'
Buffering...
Pinatay ko na ang video.
Baka umulan.
Search search pa...
Hawak ng isang German Moreno... May Johnny-like din dito sa Pilipinas?
Napangiti ako sa naisip.
Wala na ko sa JE.
Sana JUMP din ako.
Speaking of JUMP. Napalingon ako sa kasama ko.
Kakagaling ko lang sa hotel ni Miura. Kasama ko ngayon si Yabu.
Kahapon pa kami magkasama. Kulang na lang, wedding ring, mukha na kaming mag-asawa.
Nakita ko sya pagkatapos nyang sumigaw ng 'Miss' sa bus.
"Wala ka bang pupuntahan ngayon?"tanong ko habang isinasara ang laptop.
Hindi naman sa pinalalayas ko na sya pero mukhang may importante syang lakad ngayon dahil kausap nya si Keito kagabi.
Napatigil sya sa pagte-Temple Run.
"May pupuntahan nga pala kami ngayon sabi ni Keito!!"sigaw nya.
Natawa ako.
Parang ligaw na kaluluwa tong si Yabu.
"Sige, Shoon, una na ko. Pakisabi kay Reon, di ko na sya maaantay."
Napailing ako nang makalabas sya.
Alam ko, kadarating lang nila kahapon pero mukhang kabisado na nya lahat ng lugar dito.
May free show kami bukas sa isang mall. Parang preview ng mga kakantahin namin sa concert.
Nakakainip.
Tinawagan ko si Reon.
"Nasan ka ba? Tinext kita kahapon, magsi-swimming tayo ngayon!!"
"Kaya pala aamagin na ko dito sa pag-aantay, walang dumadating."reklamo ko.
"Alam mo bang nandito sila Yabu sa Pilipinas?"
"Bakit daw?"tanong ko na lang.
"May photoshoot daw. Ewan. Sabi lang nitong si manager. Sumunod ka na!"
Wala ako sa mood mag-swimming.
May hang-over pa yata ako.
Gumulong ako sa kama.
Ayoko sa mall, madaming tao.
Sasabihan na naman nila ako ng Jake Vargas Jake Vargas.
Ayoko sa labas.
Papangit ako sa polusyon.
Tinawagan ko si Reon.
"May dinala ba kayong damit ko?"
Malamang sa di lang swimming na normal yun. Paniguradong trabaho din yun.
Ayokong magpakita ng abs.
Pero... Sige na nga.
![](https://img.wattpad.com/cover/3291937-288-k557397.jpg)
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...