Traffic 64

79 0 0
                                    

a/n: Ngayon ko lang sya naayos kasi nga... Hindi ko na naman alam isusulat ko XD Sorry naman. At salamat sa mga nag-babasa sa baliw na OTP ko. [YabYel]. Namiss ko yan. KayeTo na lang kasi.

-RYOSUKE(sa wakas may POV na sya XD)-

"Problema nyan?"tanong ko kay Hikaru.

Naabutan kong nakayuko si Yabu sa lamesa habang may katabing apat na can ng beer.

OO. APAT. As in, YON sa bilang ng hapon at FOUR sa wikang ingles. 

Apat lang, tumba agad?

"Malay ko. Yel nang Yel kanina pa."reklamo ni Hikaru habang may dinadampot na plastic sa isang sulok.

"Bakit hindi si Keito ang tinawagan mo?"tanong ko.

"Patay ang cellphone."

"Chinen?"

"Nagpapatangkad."

"Daiki? Sure ako, willing alagaan nun si Yabu."

"May shooting ngayon si Daiki."

Napakunot noo ako. Bakit hindi ko yata alam yun. "North Pole? Ililigtas ang mga kamag-anak nyang penguin?"

"Ewan. Basta, sabi ni manager, may shooting si Daiki."

"Si Inoo?"

"May date--- anak ng Fudgee bar naman Yamada Ryosuke!!! Male-late na ko."sigaw nya.

Inihagis sa akin ang susi na ni hindi ko man lang nasalo at tinamaan pa ko sa noo saka tumakbo papuntang front door.

"Ikaw muna bahala sa bahay!"

"Saan ka pupunta?"tanong ko at sinundan sya.

"May date ako!"nakalabas ang mga sungki nyang ngipin habang sinasabi nya yun saka isinara ang pintuan.

Sinasamantala na naman nila ang pagiging gwapo ko.

Bumalik ako sa sala

"Yabu..."tawag ko sa matangkad na mukhang mababali na ang likod sa pagkakayuko sa lamesa nila Hikaru.

"Unnnnnn..."

"Wala ka daw foundation?"tanong ko.

"Manghihiram ka ba?"tanong nya sa hindi lasing na tono.

"Hindi."sagot ko.

Naupo sya ng diretso. "Good."sabi nya saka nahiga sa sahig.

"Anong problema? Foundation ba? Ibinili kita---"

"Si Yel."

Binuksan ko ang Calbee na nabili ko kanina sa konbini bago dumiretso dito kina Hikaru. Kumuha ng kahit ilan basta kasya sa bibig ko.

"Break na kayo?"tanong ko habang ngumunguya.

Buti pa sila, may mga love life. Ako, eto, gwapo.

Lalo na si Hikaru. Maya't maya nakikipag-date dun sa girlfriend nya.

Sinipa ako ni Yabu.

Malakas yung pagkakasipa nya kaya binalibag ko sya ng nadampot kong lata.

"Aray!!! You don't do that to me!"sigaw ni Yabu nang tamaan sya sa ulo.

Baliw. Saan naman nya nadampot yung 'You don't do that to me' na yun? Maka-english lang.

"Ikaw na nga sinasamahan, ganyan ka pa. Kaya siguro nakipag-break sayo si Yel."

"Hindi kami break."mamaya ay sabi nya.

Eh bakit parang ang laki ng galit nya sa buong planetang Earth? "Ano lang?"

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon