-Yabu POV-
Ano naman kung nakipag-break sa kin si Yel? At least, nasa malapit lang sya. Pwedeng puntahan, sunduin, bulabugin. Parang mas close pa nga kami ngayon kesa noong kami talaga. Well, mukhang kasalanan ko naman na naging kami.
Nilingon ko ang kasama ko.
"Bakit?"tanong ko.
"Mukha kasing ang saya mo, tapos, ang lungkot mo, tapos, biglang mukha kang papatay. May sayad ka na ba talaga? Yung totoo, Yabu, ayaw mo kasi mag-kwento tapos muntimang ka pa."sabi ni Hikaru.
Hindi ako sumagot.
Ayoko munang magkwento at siguradong makikialam pa sila sa sarili kong problema.
Sa totoo lang...
Ayaw ko talagang makipag-break.
Ang kaso naman kasi, ang daming papparazzi na pakalat-kalat lalo na ngayong malapit na ang concert. At dahil na rin sa mga kumalat na picture noong magbakasyon kami kasama si Yel. Mabuti nga at mukhang chiks si Inoo Kei kaya sya ang napagkamalang dinedate ko.
Pero hinding-hindi ako makikipagdate sa kanya!
Yuck.
"Ngayon naman, parang nandidiri yang itsura mo."
Alam na alam talaga ng sungking ito kung ano nararamdaman ko.
Bakit hindi nalang kaya kami ang magpakasal?
"Bakit..."
"Ano?"tanong ni Hikaru.
"Bakit hindi mo pakialaman ang sarili mong buhay?!"naiinis na sabi ko.
Hindi ba ko pwedeng mag-isip mag-isa?
Binatukan nya ako. "Taeng to. Concern lang ako at baka ipatapon ka nila sa mental."
"Wag ka na kasi munang makialam!"
"Binigyan mo ba sya ng ticket para sa concert?"
Hindi ako nagsalita.
Inabutan ko sya ng ticket kagabi pero...
Kahit nararamdaman kong gusto nya, hindi nya kinuha ang ticket.
Ewan ko ba naman kay Yel.
Pride ba yun?
'May trabaho ako nun.'sabi nya.
Ano ba trabaho nya dito? Sa gabi nga lang sya lumalabas ng apartment na yun. Lalabas lang para bumili ng noodles.
"Hindi ka man lang binigyan ng goodluck kiss?"
"Pano nga ako bibigyan ng goodluck kiss, hindi naman na kami!"
"HAAAAAAAAAAAAAAAA?!!!!"
Napakamot ako ng ulo. "Ang gulo mo kasi e!"
"Kung sinabi mo kanina, e di hindi kita kinukulit!"pagdadahilan ni Hikaru.
Sinipa ko sya.
"Aray!!!"
"Dapat lang yan sayo, chismoso!"
"Basted!!!!!"
"Maghihiwalay din kayo ng girlfriend mo!!!!"sigaw ko habang lumalayo kay Hikaru.
"Wag mo kong idamay sa fail mong love life!"
"Aagawin sya sayo ng mga lalaking may nunal."pananakot ko pa.
"Waaaaaaaaaah!!! Inoo! Inaaway ako ni Yabu."
"Takte naman, Hikaru. Bata ba?"bulyaw ni Inoo.
Umalis na ko.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...