Traffic 9

133 6 1
                                    

-Keito POV-

Plano.

Plano...

'Oplan Ibalik si Ryuu'

45-50 percent chance.

'Ibalik ang Ya-Ya-Yah'

Mawawalan ako ng trabaho.

May bagong grupo na si Shoon.

'Sugod Bahay'

Napangiti ako.

Ayos.

Break namin ngayong araw.

Mga one to two weeks daw kami dito. Tapos, kung magustuhan ni manong... Baka magpa-concert.

I can perfectly remember where the house--

"Keito... ano yang Sugod Bahay?"

Napalingon ako kay Daiki.

Nakatingin sya sa hawak kong papel.

"Baka yung palabas sa tv." -Takaki nakahilata, hawak ang remote.

"Free tayo ngayon, di ba?" -Chii

"Mall tayo! Kailangan ko ng bagong earphones!" -Yama

"Kailangan ko ng facial." -Inoo

"May briefs pa ba ko?" -Yuto

"May matutulugan ba sa labas?" -Takaki

"Sa massage chair sa loob ng mall. Kaya lang, baka may mabuntis ka na, hindi ka pa nagigising." -Inoo

"Sino naman re-rape kay Bakaki?! BWAHAHAHAHAHAH" -sabay na sabi ni Chii at Yama, nag-apir pa.

"Ikaw Yabu?" -Daiki

"Isosoli ko yung damit ni Shoon. Kasama si Liwanag."

Paalis na sila.

"Ingat."

Hindi ko pa sinasabi sa kanya kung saan nakatira si Mariel...

Speaking of...

Email check...

Bumabaha ng fangirls.

Ayokong mag-online. Baka magtagal ako.

Baka ma-trace yung IP address. Hirap na. Kailangan pa naman mag-mall nitong mga kasama ko.

"Ikaw, Keito?"

Nilingon ko sila.

"Sa labas lang. Di ako mag-mo-mall. Kumpleto pa naman gamit ko."

"Kung sumama kaya ako sa 'yo?" -Daiki

Napaisip ako.

Good?

Bad?

"Okay."

"Magbantay ka na lang kaya dito, Takaki?"

Nag-thumbs up lang si Takaki saka inakap ang unan.

"Bawal manood ng porn!" -bulyaw ni Inoo bago pumasok ng banyo.

"Teka nga. Bakit ba nandito kayong lahat?!" - Takaki

"Para di ka makatulog." -Yuto

Ang gulo talaga ng mga 'to.

"Lika na Daiki."

Sakay jeep.

Walang masyadong tao.

Sakay tricycle.

Kaming dalawa lang. 

Isang byahe.

Nakakuha nga pala ako ng pera sa bulsa ng pantalon na suot ni Yabu noong isang araw. Nagtitipid ako. Gusto ko ng bagong gitara.

"Saan ba tayo pupunta?"tanong ni Daiki.

"Ikaw na lang isasama, magtatanong pa. Kuya sa tabi na."

Gumilid ang tricycle.

"Seryoso, Keito. Gusto mong balikan yung sukli mong trenta?"

Hindi ako nagsalita.

"Eh nung isang isang araw pa yun di ba?"

'Hi mga manok.'

"Kuya pogi, bibili kayong uling?" -bata

Napangiti ako.

Wala yung babaeng maliit.

Mama yata nya itong nakabantay.

Anong oras na ba?

"Arioka, anong oras na?"

"9AM."

Muntik na.

Gising na yan.

"Tita... si Mariel po?"tanong ko sa nakabantay sa tindahan.

Hindi yata ako namukhaan.

Naka-shirt at walking shorts lang ako ngayon. Saka tsinelas.

Nay nakasabit na shades sa leeg.

In case of emergency.

"Ah saglit lang. Marieeeeeeel!!! May naghahanap sa 'yo."

'Boku wa Vampi-yaa...'

Kulang na lang sumayaw si Daiki sa tabi ko.

Lumakas yung tugtog.

'Boku wa PAPAYA...'

"Mama, totoo ba yan?!"

Gusto kong tumawa.

Hindi naman sa hindi ko ineexpect yung reaction nya. Pero yung makasigaw, akala mo, cardboard lang kami ni Daiki na itinayo sa harap ng tindahan nila para i-good time sya.

'Totoo ba yan... Pffft...'

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon