-Chinen POV-
Pinasunod ako ni Keito.
Sabi nila, manonood sila ng concert ng Kyoudai.
Cielbleu pala.
Naiwan ako sa mall kasi may binili pa kong pasalubong para kay Ohno.
Nakita ko na sila Keito kanina.
Tapos, nandito na din daw si Yabu.
Hindi ko naman sya makita.
Nakita ako nung manager ng magkapatid.
Sabi nya, nakita nyang pumasok si Yabu sa dressing room.
Ayos.
Pasok kaagad ako.
Baka kasi makita pa ko ng ibang crew.
Si Yabu...
Magkapatid...
at...
"YEEEEEEL!!!"
Niyakap ko agad si Yel.
Wala akong pakialam kung magkaholding hands sila ni Yabu.
"Ui, Chinen!"bati sa akin ni Shoon.
"Hi Shoon. Hi Reon."bati ko.
"Chii..."
"Yabu, sumunod ka na daw kina Hikaru. Ako nautusan kasi late daw ako. Yel, sama ka sa kin!"
Hinatak ko si Yel.
Hatak...
Ayaw sya pakawalan ni Yabu.
Buset talaga 'tong matangkad na 'to.
"Hoy Yabu, hinahanap ka na nila Hikaru."sabi ko.
"Ano 'to, Love triangle?" -Reon
Napatigil si Yabu.
Ho-ho.
Ang galing ni Reon.
Mabilis na bumitaw si Yabu kay Yel saka naunang lumabas.
"Sige, una na kami."
Paalam ko sa magkapatid.
Tumango lang sila.
Lumabas na kami ni Yel.
"Ah... Chinen?"
"Yes?"
Nakangiting tanong ko kay Yel.
"I smell something Yuma..."
"Yuma?"
Anong Yuma?
Mabango naman si Yuma ah.
May naaamoy syang mabango?
"I mean, something fishy..."
Natawa ko. "Yuma... Fish..."
AHAHAHAHA.
"Galit na naman si Yabu. Ano ba kasi meron?"
"Madami."
"Di ko pwedeng malaman?"
"Malalaman mo din naman."
Tumahimik si Yel.
"Bakit di pa ngayon?"
Ngumiti lang ako.
"Ano ba namang sagot yan!!!!"
Natawa ulit ako.
Baka kasi masabi ko sa kanya pag kaunting pilit pa nya.
Kung bakit naman kasi ako pa nautusan.
Pwede namang si Keito. Tutal, sya naman nakaisip nito.
Sabagay... baka nga naman masapak sya.
Haha.
Ang init pa naman ng ulo ni Yabu pag yung mga bagay na may kinalaman kay Yel.
Ho-ho.
Yel talaga.
Close na kami e.
Basta ba, hindi 'to lalapit kay Haruma, magaan ang magiging trabaho ko ngayon.
Putakte.
Speaking of...
Pag ba mukhang anghel talagang lumalabas pag naiisip?
Ano ba.
Bakit ba dumating pa yan?
Alam kong kaibigan sya nila Yabu. Hindi ko lang talaga sya feel.
Yang mata na yan.
Tusukin ko yan pag tumingin ka ulit kay Yel.
Badtrip.
"Yel, bilisan na natin. Maganda pwesto na nakuha ni Mama Inoo."
"Ha?"
"Bilis na."
"Di ba, si Haruma yun?"
"Lika na nga. Kamukha lang yun. Busy si Haruma sa shooting."
Nagpahatak naman si Yel.
Mabuti naman.
Baka mabatukan na ko nung mga yun pag nagtagal pa kami.
Malapit na mag-umpisa ang concert.
At...
Malapit na din akong maubusan ng sasabihin at pagpapacute na tactics.
Para naman kasing di tinatablan si Yel.
Ganun ba talaga pag may gusto na?
![](https://img.wattpad.com/cover/3291937-288-k557397.jpg)
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...