-Mariel POV-
"Nakanang nanay mo!"
Batok.
Hampas sa braso.
Hampas sa likod.
Pitik sa ilong.
Pitik sa noo.
Napangiwi ako.
Feel ko, pati kaluluwa ni Chinen, bugbog na.
Kakadating lang namin sa sinasabi ni Chinen na magandang spot na nahanap ni Inoo.
"Bakit ang tagal nyo?"
Yan ang bulong sa akin agad ni Keito.
"Pinaghatakan pa ko ni Chii at Yabu."
Hindi naman sa nagyayabang pero to cut the story short, yan na lang sinabi ko.
"Ibig kong sabihin... Magkasama kasi kami ni Yabu kanina. Hinatak-hatak naman ako nitong si Chii kaya nagtagal kami."
Tumingin si Keito sa mga kasama.
Buong JUMP nandito.
"Wala si Ryu." -Takaki
"Panira ka talaga ng mood." -Inoo
"Pangit mo talaga sumingit." -Daiki
"Pangit ka talaga." -Chii
"Hoy HOT ako!"
"Hot ang ulo." -Yuto
"Hot ang bunganga pag nagra-Ragnarok."-Yama
"Nasan si Hikaru at Yabu?" -Daiki
Siniko ito ni Yamada.
"Araaaaay! Ano ka ba naman?" -Daiki
"Ang hirap nang slow." -Takaki
"At sayo ko pa talaga narinig yan?" -Daiki
"May hiniling yata yung mga crew sa kanila. Nasa loob din yata si Taiyou." -Inoo
Si Taiyou daw.
Uwaaaaaa.
May Ya-ya-yah concert?
Halamo.
Di ako prepared.
Wala akong uchiwa ni Shoon.
Malay ko ba naman kasing dito ako kakaladkarin ni Yabu.
"Hoy, okay ka lang?"
Maka-hoy naman 'tong si Keito, parang may pinagdaanan kaming dalawa.
Ang daming fangirls.
Di naman kami nakikita.
Ho-ho.
Ang galing talaga mag-blend in ng mga lalaking 'to.
Ang dami kasi nila. Mukha tuloy MOB.
"Okay lang. Gusto kong makita ang Ya-ya-yah. Nung free concert kasi, si Shoon at Taiyou lang ang lumabas. Si Yabu at Hikaru, nasa backstage lang."
"Ha?"
Silang lahat.
Mukhang tangang nakanganga sa harap ko.
Gwapo pa rin.
Si Inoo lang ang maganda.
"Well, sabi na na ba at sila talaga yun." -Yamada
"Kaya nga huminto tayo sa paglalaro." -Chii
"Ginising ko pa si Inoo." -Yuto
"Waaaaah!!! Kayo na!!"
Silang lahat.
Pati ako nagulat sa sinabi ni Yuto.
"Ang agiw ng utak nyo. Nagpa-spa kasi yan. Nakatulog."
"Ayoko na nga magtanong... Defensive si Yuto." -Daiki
"Huuuu. Selos ka na naman!" -Takaki
"Naku Takaki, tumigil ka na nga kung ayaw mong patayin ko character mo." -Inoo
Nanahimik si Takaki.
"Kayo na ba?"
I mean kung TakaNoo na ba talaga.
'Ano ba yang bunganga mo Mariel Kaye.'
Hindi ko talaga mapigil.
Lalo na at di pa ko nakakapagbasa ng yaoi sa mga araw na 'to.
Iniimagine ko na lang.
Biglang nagtawanan ang mga kasama ko.
"Kung di ka lang talaga babae, baka na-spartan kick ka na."
Lol. si Keito wagas makatawa.
Pag may umamoy dito, sila yun ha.
Biglang namatay ang ilaw ng concert.
Tapos biglang spotlight.
Umaaaaaay.
Si Reon!!!
Solo flight sa stage.
KYAAAAAAAAAAAAAAA!!!
Feeling ko, mabibingi ako sa lakas ng sigawan ng mga babaeng 'to.
Paanong hindi.
Ang gwapo kahit hindi pa nakabihis.
"We gonna have a surprise--"
"UWAAAAAAAA..."
Fans pa rin yan.
"E di magtagalog."sabi ni Reon. "Hindi talaga namin ine-expect 'to. Sa mga magsusulat ng fan report sa mga blog. Pakiusap... Sa atin lang po itong mangyayari sa opening. Okay?"
Parang na-hypnotize at sabay sabay na sumagot ng OKAY ang mga fans.
"Arigatou! Daisuki!!!"
KYAAAAAAAAAAA!
Namatay ulit ang ilaw.
Nawala na si Reon pagkabukas ng spotlight.
Ayan na naman ang Yuuki 100%.
"YA-YA-YAH!!!!"
Tuloy na chant ng mga babae.
Syempre pati ako.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...