-Hikaru POV-
Napabuntong hininga ako.
Mula practice, itong venue at pati lahat ng nasabi ko kay Yabu noong gabing yun...
Pinitik ko ang sarili kong noo.
"Ano, kumusta ka naman? Bakit mag-isa ka lang? Busy sila?"
Napalingon ako kay batang matanong.
Hindi nya maitanong si Yabu kahit obvious naman sa mukha nyang si Yabu lang ang gusto nyang kumustahin.
Ngumiti ako.
"Yan ba talaga ang gusto mong itanong?"
Kaunti na lang, tatawa na talaga ko ng malakas.
Namumula na si Mariel.
"Curious kasi ako kung bakit biglang nandito ka ulit pagkatapos nyong umalis."nakangusong sabi nya.
Ayos tong babaeng to. Paiba iba ng expression ng mukha habang kinakausap mo.
Talaga bang walang gusto dito si Keito?
Tsk.
Isa pa yun.
Matanong masyado.
Kung sagutin ko kaya lahat ng tanong nya. Pagkatapos, papatayin ko na sya. Masyado nang madaming nalalaman.
Bahala na. Basta di ako papatay. Baka ako ang mapatay.
Kowai...
"Hoy, Hikaru."
Nilingon ko ulit si Mariel.
"Maka-hoy ka naman. Halikan kita dyan e."
Napaatras sya.
Natakot.
"Parang ang dami kasi ng monologue mo sa isip mo. Baka gusto mo namang i-share."
"Pag ishinare ko ba... Papayag kang ikiss kita?"
Hinampas nya ko sa braso.
"E di wag nga. Sa 'yo na yang iniisip mo. Ayaw naman pala mag-share, pupunta pa dito. Bakit ka ba nandito?"
"Para dumami ang bumibili."
"Yabang. Walang bibili. May pasok yung mga batang suki ng chichirya."
May naalala bigla ako.
"Nga pala, Mariel, kung magso-show kami dito, palagay mo, magso-sold out?"
Parang nag-twinkle-twinkle ang mata nya.
"Show kayo? DITO?!"
"KUNG."
Nag-isip sya.
Eh kung halikan ko kaya to habang nag-iisip sya?
Anong halimaw na naman ba pumapasok sa utak ko.
Napailing ako.
Ayokong paglamayan.
"Fifty-fifty. Kung mai-a-announce siguro ng matagal yung concert, makakapag-ipon pa ang fans para makanood. Ayun, may chance na ma-sold out."
Tumango ako.
"Kung lalabas kayo sa
mga local tv shows... Mas malaking factor."
"Bakit?"
"Ewan. Feel ko lang kasi, madaming makiki-fan."
"Makiki-fan?"
"Gusto mo ba ng fangirls na mahal kayo dahil sa looks nyo? Kung oo, ganun ang gawin nyo."
Napangiwi ako.
"May tanong nga pala ako."
"Ano?"
"May chismis kasi... Bumalik na daw si Ryuu?"
Ngumiti ako.
"Kiss."
"Ha?"
"Kiss kapalit ng sagot."
"Perv."
Nginisihan ko sya.
"Kay Chii ko na nga lang itanong pag nakapag-online ako. Madamot ka Yaotome."
"Close tayo?"
"Dayaaaaaa!!!"

BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...