-Takaki POV-
"Hoy! Ano ba kayo?! Practice na!!!"
Gusto ko nang maglupasay sa dance studio nang marinig ko na naman boses nya.
Hindi pa ko nakakadapa sa sahig, naunahan na ko ni Hikaru.
Di naman sa reklamador ako pero...
Limang oras na kaming straight na nagsasayaw.
Matutuyot na ko.
Pano na ang mga fans ko?
Wala na silang pagti-tripan na buntis.
Mabuti ba yun?
Tumayo na ko.
Sana may Gundam na pumasok sa studio nang kahit papano, pagpahingahin kami nitong lalaking 'to.
O Transformer.
O si Daimos.
O ang Voltes V.
Kahit dito na mag-stop over si Luffy.
Inaalipin na kami ni Yabu Kota.
"Yabu, magpahinga naman tayo. Baka lalo kang pumayat nyan." -Inoo.
I love you na talaga Inoo Kei.
Tagapagligtas ka ng mga taba ko sa katawan.
Napatingin ang iba pa naming mga kasama kay Inoo.
Iisa ang gusto naming iparating.
Oo. Alam naming may naiwan syang babae sa bansang yun pero...
Madami pa kaming kailangang ayusin.
Wala nang nagawa si Yabu.
Bukod sa papayat sya, wala naman kaming magagawa para makabalik ng mabilis sa Pilipinas.
Ang daming kondisyon ni Johnny-san.
At yung isang yun...
Ano ba namang klaseng buhay 'to.
"Nagugutom na ko..."
Nagkatinginan kami ni Yamada.
"Kain tayo?"
Sabay pa kami.
"Kayo na ba?" -Daiki.
"Selos ka, Dai-chan?" -Chinen.
Natawa kami nang malukot ang mukha ni Daiki.
"Pag sabay kumain, issue agad?" -Yuto.
"Keito, sabay ka na sa amin kumain."
Nag-okay si Keito.
Humihingal pa sya.
"Hoy bumalik kayo after five minutes!"
Hindi namin pinansin si Yabu.
Eh hindi pa nga lumalamig yung noodles sa five minutes nya.
"Hindi pa nga naluluto yung nilagang itlog ng five minutes."
Natawa kami sa sinabi ni Chinen.
Kanina pa sya napag-iinitan.
Mukhang gumaganti na si Yabu sa mga pinaggagawa nya.
Diretso sa pinakamalapit na konbini!
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...