Traffic 55.5

75 0 0
                                    

-Takaki POV-

Pagud na pagod na kaluluwa ko. Bukod pa sa pagbubunganga ni Inoo Kei kagabi ay nautusan pa ko ni Yabu na puntahan si Yel sa Cebu.

Hindi pala ako inutusan. Natalo ako sa game na... Janken. Ako lang ba ang walang solo performance? Dapat pala, isinama ko si Ryuu.

Pero sabi nila, madami pa raw kakabisaduhing steps ng sayaw si Ryuu.

Ang layo naman kasi ni Yel. Gusto lang yata akong iligaw ni Yabu. Malay ko ba naman sa lugar na to.

Pero ayus din ha. Malinis dito kahit papaano.

Hindi man sulit ang pagpunta dito, baka bumalik ako. Kahit ako lang mag-isa. May mga beach akong nakita kanina.

Hindi rin masama itong byahe ko.

Manila to Cebu.

Traffic papunta sa NAIA.

Nakakabadtrip.

Okay, yun lang ang nakakabadtrip sa byahe na to. Ang traffic, ang traffic lights bawat kanto yata.

Napatingin ako sa labas.

Pagkatapos ay sa repleksyon ko sa bintana ng taxi.

Kinulayan nila ang buhok ko ng itim. Yung pangkulay na washable. Nakakapanibago tuloy.

Sobrang gwapo ko na.

Crush ko na ang sarili ko.

At ngayon...

Pabalik na ko sa Mactan Airport. Haggard. Pero okay na to. Malayo sa bunganga ni Inoo Kei. Malayo sa maiingay na pangit na nakiki-share ng ka-gwapuhan ko.

Di bale nang pagod, gwapo naman.

Nag-ring ang cellphone ko.

"Ang gwapo ko, bakit?"sagot ko.

"Joke yan? Nasaan ka na?"

Si Keito pala.

"Nasa puso mo."sagot ko.

"Nasa puso mo na daw, Inoo."

*Sabihin mong bumalik na kaagad bago ko sunugin lahat ng kalat nya.*-Inoo sa background

Kowai.

Ano bang kalat yun?

Briefs?

"Narinig mo?"tanong pa ni Keito.

'Sa lakas ng bunganga nyan, di ko pa ba maririnig?' -utak ko

"Mamayang 2PM pa ang flight ko. Anong gusto nyang gawin ko, lumipad?"

"Kung pwede kang lumipad, gawin mo!"

Inilayo ko ng kaunti ang cellphone. Baka layasan ako ng eardrum ko.

"Takaki, balik na!! May time limit ka~"

"Gusto talaga kitang samahan pero madami pa kong gagawin."

Nagkagulo silang lahat sa kabilang linya.

Parang alam ko na yung nararamdaman ni Yel nung nagpapaalam kami sa kanya gamit ang cellphone. Nakakaiyak pala talaga.

Nakakaiyak pakinggan ang bunganga ng mga impaktong to. Ang ingay!

"Ayusin mo tong mga kalat mo!"-isang malakas na bulyaw galing sa nagmemenopause na si Kei.

"Hello? Babalik--"

Binabaan na ko ng mga damuho.

Akala ko naman ay makakaligtas na ang eardrum ko sa pagbubunganga nun. Meron kayang dalaw yun?

Kahapon naman, ang bait pa nya. O dahil kasama syang magplano na ako ang ipadala sa Cebu?

Tokwang mga yun.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon