-Yabu POV-
Masakit ulo ko.
Pwede bang murahin 'tong sobrang ingay na mga lamang lupa na 'to?
"Ano ba naman yan Yuto???????!"
Sabay pa kami ni Yamada.
Walang katapusan na Starship ni Nicki Minaj ang pinatutugtog ni Yuto.
Lalong sumasakit ulo ko.
Nasan na ba si Inoo?
Saka si Daiki?
Nababadtrip na talaga ko.
Bakit ba nandito na naman 'tong dalawa na yan.
Kailangan ko ng tulog.
Buti pa si Hikaru, may earplugs.
WAAAAAAAAAA!!
Anak ng pitungput pitong puting tokwa.
"Lakas ng loob mong magreklamo, samantalang GG yang soundtrip mo." -Yuto
Tama si Yuto.
Badtrip.
At nagsama pa silang dalawa.
At dito pa sa kwarto namin nagtalo.
Bumukas ang pintuan nang sisipain ko na sana si Yuto na nasa paanan lang namin ng naghihilik na si Hikaru.
"Ui, Spartan kick!"-Takaki
Bago pa makapagtanong si Yuto, nalaglag na sya sa kama.
"Bakit nandito kayo, mga pangit?"
Si Takaki, mukhang tangang akap yung laptop nya.
"Yabu..."
"Bakit?"
Nakakunot ang noong tanong ko kay Keito.
"Si Chinen..."
Humihingal sya.
Si Takaki din pala.
Ngayon ko lang napansin.
"Anong nangyari? Akala ko ba, nasa Carlos kayo nila Chinen?"
Pakiramdam ko, nawala na lahat ng hang over ko.
"Ayaw sumama sa amin umuwi ni Chinen."-Keito
"Mas gusto nya dun sa chiks,"-Takaki
"Chiks?"-ako
Tumango sila ng sabay.
"Sunduin mo. Baka sakaling sumama sa 'yo."-Keito
Nagmamadaling nagsuot ako ng T-shirt saka tsinelas.
Pusang gala.
Saan ko ba hahanapin yung maliit na yun?
Diretso sa Carlos.
Buti may pera pa ko sa bulsa.
Mula sa computershop...
"Kuya, may maliit na lalaki bang napadaan dito?"
Tanong ko.
Tinitigan muna ko ni kuya.
"Nandito kanina, kasama nung lalaking mahilig mag-Ragnarok na may dalang laptop."
Lakad ulit.
Kung bakit di ko naman naitanong kay Keito kung saan nagsuot naman si Chinen.
Nasaan na naman yun?
Eto na naman si sakit ng ulo.
Pano naman ako ga-gwapo nito?
Mag nag-vibrate sa bulsa ko.
May cellphone nga pala ako.
'Sa tindahan sa ilalim ng tower.'
Galing kay Keito.
Tower...
Tower...
Ayun.
May tower.
"May lalaking ganito kaliit ba dito?"
Tanong ko kaagad sa nakasalubong ko.
Itinuro lang nya ang loob ng bahay.
"Po? Pwede pumasok?"
Tumango lang sya.
"Hoy Chinen ano ka ba?"
"CHINEN YURI!"
"Ako yun. Dito lang ako."
Kulang na lang, makapatay ako.
Pwede bang sakalin si Chinen?
O sige.
Di ko sasakalin si Chinen, pero pakitanggal yung pagkakaakap nya kay Mariel.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfic"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...