-Mariel POV-
'Keito comeback. Kahit yung isang sako ng uling ang bilhin mo na isang daan lang ang pera mo. UWAAAAAAAAA!!!'
Status ko.
Like.
Like.
Like.
Like.
Comment.
'Bakit bibili si Keito ng uling? Ati-atihan?' -friend one.
Ayokong magreply.
Masakit ulo ko.
"Mama!! Kilala ko yung macho kanina..."
"Kuuu... Nakakita lang ng macho, kilala na agad? PBB Teens?"
Tingin ulit sa cellphone.
Comment.
'Wala pa rin nag-o-online sa kanila.' -isa pang friend.
"Pabili pong uling!!"
Bata.
Abot ng pera. Sukling tres.
Cellphone ulit.
"Wala akong pakialam sa inyong lahat. Bumili si Keito Okamoto ng uling sa tindahan namin. Waaaah. Keep the change."kausap ko sa cellphone kong malapit na namang pumanaw
Nakatigin si mama sa akin.
"Mama, pa-laminate natin 'tong isang daan. Hinawakan ni Keito."
Winagayway ako ang pera.
"Naku mamaya lang, wala na yan."
Dapat pala di ako naligo.
Ulo ni Yabu sa balikat ko.
Uwaaaaaa.
Swerte o malas?
mi-ni-mi-ni-may-ni-mooooow!!!!
Oh well... Isipin ko na lang na swerte. Baka lalo akong maging slowpoke pag inisip kong malas yun.
'Ang gwapo mo Keito kahit naka-shades ka'
Tweet ko.
'Pag bumalik ka, isama mo si kuyang matangkad na naka-mask.'
Tweet ko ulit.
"Aning na ko dito..."
"Pabili po."
Bata.
Nag-abot ng 1.25...
Di abot yung styro.
Tumayo ako.
Ipinag-abot yelong may flavor.
Facebook ulit.
"Aaaay Sobrang Delikado!"
Muntik na kong mahulog sa upuan.
"Be... May shooting daw sa labas."
Si mama.
"Oh?"
Sagot ko.
Wala akong interes sa shooting ng puchu-puchung drama ng Pinas.
Kahit siguro tumakbo si Richard Gutierrez sa tapat ng bahay namin, baka pagbilan ko lang din sya ng uling.
May sumisigaw sa labas.
Ang gulo...
May tumakbo.
Nagkagulo ang mga manok.
Madami sila.
May maliwanag.
"Horaaaaaaaa!!!!"
Yakuza?
May lalaking naka-Tuxedo na tumakbo.
'Ang init ng panahon, tuxedo. Nice.'
Tekaaaaaaaaa!!!!
Umikot ang lalaki.
Shiiiiiiit!!!!!!!
Pwede umiyak?
Tumakbo ulit sya.
Papalapit...
Papalapit sa akin.
'Don't tell me, bibili din syang uling?'
Ngumiti sya sa akin.
Feeling ko, nalusaw na lahat ng fandom sa utak ko.
Sya na lang natira.
Sya na lang talaga.
Okay, may Yabu on the side.
Pero itong lalaking nasa harap ko ngayon ang naka-front. Nasa last row na si Kouta Yabu.
"Salamat kahapon."bulong nya saka tumakbo ulit.
Kasunod ang mga camera.
Ang ilaw.
At ang mga yakuzang extra.
'Ang gwapo mo.'
Yan na ang huli kong status sa Facebook.
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...