-Mariel POV-
Nandito yan?
"Baka mapatay ka."sabi pa nito.
Mapatay nino? Ni Yabu?
"Ikaw pala si Yel."-Ryuu
Feeling close. Yel agad ang tawag sa akin. Bakit ba sila nandito? Saka pano naman nila nalaman na nandito ako?
Ngumiti si Ryuu.
"Hihiramin ka sana namin."sabi nya.
Mayamaya pa ay hawak na ni Hikaru ang cellphone nya. May tinawagan.
"Capture complete."sabi nya.
Tengene. Sino yun? Si FALCON?!
Kailan pa bumalik si Falcon?-- este si Haruma?!
Falcon ang hacker name ni Haruma sa isang drama.
"Lika na."
"Haaaaa? Bakit? Saan? Hoy Hikaru, baka hanapin ako ni mama!"
Ngumiti si Hikaru. "May nag-aasikaso na nyan."
Tumingin sya sa likod ko.
"Tapos na?"tanong ni Hikaru.
Lumingon din ako.
Si Chinen!
Nag-peace si liit kay Hikaru.
"Yo!"-bati nya sa akin.
Feeling ko, maki-kidnap ako nang wala sa oras. Hinatak nila ako papasok ng taxi.
Wala silang kotse. Pulubi naman tong mga kidnapper na to.
"Teka nga, pano nyo ba ako nahanap?"
"May transmitter sa kahon ng kwintas."sagot ni Ryuu.
Transmitter?
Hala ka.
Dapat pala tinapon ko yung kahon.
Pero sayang, remembrance din yun. Mamaya, babawiin pala nila yung kwintas.
Transmitter?! Ibig sabihin talaga...
"Stalker ba kayo?"
Tumawa si Sungki na nakaupo sa tabi ng driver. "Ang gwapo ko para maging stalker."
"Mas gwapo ako."-Ryuu
"Basta cute ako."-Chii "Neh, Yel, alam mo ba kung saan tayo pupunta ngayon?"
Ano ba naman malay ko kung saan kami pupunta? Sila humatak sakin tapos itatanong kung saan kami pupunta. May sayad yata tong mga to.
"Kay... Falcon?"patanong na sagot ko.
"Sinong Falcon?"-Ryuu
Tumawa ulit si boy Sungki. "Kung anu-ano pinanonood mo, Yel."
"Nandito na tayo."-Chii
Tumingin ako sa labas.
Leche!
Sa mall lang pala ako dadalhin! Lokohan yata tong mga to. Pagkatapos akong takutin, magpapasama lang yata mag-shopping.
"Bibili ba kayo ng pasalubong? Dapat sinabi nyo kaagad. Di yung tinatakot nyo pa ko---"
"Tahimik!"
Hala.
Ano bang meron dito kay Chinen at parang magsu-super saiyan na sya?
Binitbit nila akong talo papasok ng mall. Para akong prinsesang may alalay na mga gwapo. Pero ang tahimik nila. Di nila ko kinakausap.
Pumasok kami sa cinema.
Dire-diretso lang kami.
Ano ba kasi gagawin namin dito? manonood ng sine?
"Tapos na yung Rurouni Kenshin. Manonood ba tayo?"tanong kay Chinen at Ryuu.
Napatigil si Hikaru sa paglakad.
Nauntog tuloy ako sa likod nya.
Bukas yung ilaw pero di ko expect na hihinto sya. Bwisit na yan. Ang ilong ko~~
"Wag mo ngang binabanggit yang Rurouni Whatever na yan!!!"
Ume-echo ang boses nya sa buong sinehan. Kami lang tao e.
"Bakit ba kasi tayo nandito? Wala namang JUMParty dito kung kayong tatlo lang. Naaawa ba kayo sa kin dahil di ako nakapanood ng concert nyo? Okay lang ako. Aray!!!"
Binatukan ako ni Chinen.
"Ang drama mo."sabi nya.
"Eh totoo naman!!!"
Hinatak nya ako malapit sa unahan.
Bata pa ko. Mahilig lang po akong magbasa ng smut pero wala po akong alam---
"Ano bang iniisip mo? Maupo ka nga lang."
Naupo ako.
Namatay ang ilaw.
"AAAAAAAAY!!!"-initial reaction
Mamaya ay unti-unting bumukas ang ilaw sa harapan.
May nakatayo.
'Matataku hoshi ga... Hitomi wo tojite..'
Kanta nya.
Feeling ko, cardiac arrest na ko.
Doki-doki-doki-doki-doki...
Wala na si Hikaru, Chinen o si Ryuu.
Sya lang at...
Ako.
Si Yabu Kota kumakanta sa stage.
'Itsu no hi mo kimi wo aishiteru...'
KINAKANTAHAN AKO!!!
Leche.
Kokoro, comeback!!!
BINABASA MO ANG
Traffic
Fanfiction"At the age of 16, 80% of people have already met the person they are going to marry..." Sabi lang naman yan sa isang site na naligaw ako minsan. Ewan ko Kung totoo pero seventeen na ko. Ni hindi ko pa nakikita sa personal maski si Yabu, o si Shoon...