Traffic 43

77 0 0
                                    

-POV-

Ano ba dapat maramdaman ko?

Bukod sa tingin ng mga taong nadadaan ko.

Ang mahina at papahina nilang bulungan...

Lumakad ako papalayo sa kanila.

Suot ang lumang gym clothes na nakataas sa balikat ko. Ang pants na nataas hanggang kalahati ng binti ko.

Natawa nga ako nang makita ko ang itsura ko.

Maglilinis ba ko ng banyo?

Lumingon ako.

Nag-iwas sila ng tingin sa akin.

Hindi naman sana ako magtatanong.

Haaaaay.

Bakit ba mga ganito ang tao dito? Napag-utusan lang naman sana ako.

Bigla-bigla na lang akong ipatatawag sa bahay. Ano bang meron?

'Saan na ngang kwarto iyon?'

Lingon ulit.

Binasa ko bawat madaanan kong pintuan.

'Aaah! Sa wakas nakita ko na.'

Huminga muna ako bago pihitin ang pintuan.

Bakit nga kaya nakasara 'to?

Di ba dapat bukas ito para...

Bahala sila.

Makapasok na nga.

Alam ko, mag-aanim na oras na kong late.

Isang lalaking nakadapa sa sahig malapit sa salamin.

Dalawang lalaking nagbubulungan sa isang sulok.

Ilang mga ibang tao. Babae man o lalaki.

Malaking speaker.

Mga pocari at iba pang drinks, chips sa lamesa.

Lumingon sa akin ang dalawang lalaki na nagbubulungan sa sulok.

"DUMATING KA!!!"

Sabay pa silang sumigaw.

Ngumiti ako.

Namiss ko sila.

Iiyak ba ko?

Ang dami ko nang napagdaanan para umiyak lang sa--

Niyakap nila akong dalawa.

Magka-height na kaming tatlo.

"Hoy, wag kang umiyak."

"Iyakin."

"Payakap din ako, tangkad!!!"

Natawa na ko.

Ang kulit pa rin ni Hikaru.

Bumukas ang pintuan sa likod ko.

"Wui Yabu, sino naman yang niyayakap--"

"Waaaaaah!!! Payakap!"

"Ako din!!"

"Pasali akooooo!!!"

"Waaaaaaaa. Ryuutaro!!"

"Bilis na. Pwede mo na kaming alipinin ulit, Yabu Kota. May inspirasyon na kami."

"Kanina pa nya kami pinagpa-practice."

Bulong ni Chinen sa akin.

Ngumiti lang ako.

Ayaw mag-process ng utak ko.

Practice ng ano?

May tumayong lalaki sa harap ng salamin.

Choreographer?

Ha?

Teka.

Wala naman yata 'to sa sinabi nung assistant kagabi.

Para saan naman 'to?

Napatingin ako sa mga kasama ko.

Aaaah.

Di bale.

At least... masaya sila.

At masayang masaya akong kasama ko sila ngayon syempre.

TrafficTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon