Binibini ng Tarlac

520 4 1
                                    

Mayumi, marilag,
Hindi ako makakailag;
Ngiti mong abot langit,
Sa'yo ako'y naakit.

Biloy mong kay ganda,
Wari ika'y isang ada;
Maria Clara, ako'y pakapakinggan,
Ika'y lubos kong hinahangaan.

Binibini, iyo nawang pansinin,
Ako'y iyo nang alipinin;
Hagkan mo ang aking kaluluwa,
Malungkot kong mundo, binigyan mo ng saya.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon