Uuwi na ako

59 0 0
                                        

Huwag kang mag-alala,
Uuwi na ako;
Dala-dala ang pasalubong mo,
Na nakalagay sa munting kahon.

Anak, hintayin mo ako sa terminal,
Alas tres, ikaw ay mag-abang;
Isulat mo ang aking pangalan,
Upang akin itong makita.

Lahat ng hiniling mo sa akin,
Aking ibibigay;
Ako'y nangangamba lamang,
Baka ito na ang huli kong pangingibang-bansa.

Kung mabasa mo man ito,
Marahil, wala na ako;
Sa halip na pasalubong,
Makita mo, aking kabaong.

Sa halip na tsokolate,
Makita mo ang aking bangkay;
Hindi alak o laruan ang iaabot,
Kundi ang mga papel ng aking pagyao.

Huwag kang mag-alala anak,
Uuwi na ako;
Pero hindi mo na ako matatanaw,
Sa halip, sa kabaong, ako'y muling makikita.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon