Bes

63 0 1
                                    


  Kapag magkasama tayong dalawa,
Hawak ko ang kamay mo,
Na parang ayaw na kitang pakawalan;
Ngumingiti kahit walang dahilan,
Para bang may tamang hinala sa ilalim ng buwan,
Ayokong mag-aksaya ng oras,
Gusto kitang makasama pa nang matagal;
Habang tinititigan ka,
Naaalala ko ang mga tala,
Na parang diyamanteng kumikislap,
Pero sa pagdaan ng araw,
At pag-ihip ng hanging amihan,
Ay unti-unti na ring lumalamig ang suyuan,
At dumating na nga ang aking masaklap na katapusan;
Nang sinabi mo sa akin-
Harap-harapan,
Na ang nararamdaman ko para sa'yo,
Tuluyan mo nang kinalimutan;
At ang nais mo'y magkaibigan ang turingan,
Masakit-
Pero hindi ko hinayaang tumulo ang aking luha,
Sa gitna ng buhos ng mga taong nagmamahalan,
Isa ako sa mga nabigo,
Pero nagpakita pa rin ako ng ngiti sa labi,
Para di ako masaktan nang husto,
Dahil ikaw,
Ang siyang una't huling pag-ibig ko.  

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon