Dito sa Tundo

40 0 0
                                    

Sabi nila,
Kapag tumuntong ka sa lugar na ito,
Maghanda ka na,
Dahil hindi mo alam,
Kung makakauwi ka pa nang buhay.

Pero ang sabi ko,
Hindi naman sa lahat ng pagkakataon,
Dahil dito sa amin,
Maraming magagandang pangyayari,
Ikaw na mismo ang sumilip.

Si Asyong-
Oo, kalugar ko siya,
Maging sina Raha Soliman,
Lakan Dula at Magat Salamat,
Dito sila nanahan.

Sa lugar ding ito,
Pinanganak ang Utak ng Katipunan,
Kaya bago ka pumutak,
Suriin mo muna,
Baka matuwa ka pa.

Malugod kitang sasabayan,
Dahil dito, lahat ng bisita'y aming kaibigan,
Tandaan mo lamang ang sinabi,
Ni Gat Amado Hernandez,
"SA TUNDO MAN, MAY LANGIT DIN"


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon