Dakila ka

55 0 0
                                        


Dakila ka, O Plebeo,
Sagisag ka ng maralita,
Tangan ang iyong sandata,
Sa pag-alay ng sariling buhay,
Ikaw ay unti-unting nagtagumpay.

Dakila ka, O Supremo,
Ginoo na buhat sa Tundo;
Bagamat ulila, ikaw ang nagtaguyod,
Tulad ng pagtataguyod mo ng kalayaan,
Upang lumaya sa mapang-aping Kastila.

Dakila ka, O Bonifacio,
Inakay mo ang bayang naghihinagpis,
Tungo sa liwanag ng kinabukasan,
At sa inaasam na paglaya, nilitis ka,
Hinusgahan sa salang di mo nagawa.

Dakila ka, Andres,
Lumaban ka para sa Inang Bayan,
Sa bawat punglo at bawat taga,
Sa bawat sigaw ng pagmamahal sa bayan,
Sumisidhi ang pagnanais na makalaya.

Dakila ka, May Pag-Asa,
Ikaw ang tanglaw sa bayang sadlak sa karimlan,
Ang gabay patungo sa aming tinatamasa,
Simbulo ng bayang puno ng pait at pighati,
Bansang nabahiran ng dugo't galit.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon