Irog, paalam na sa iyo
Hindi ko ninais na ako’y lalayo
Dahil ang puso ko’y naging tuliro
Sa damdamin mong mapaglaro.
Lahat na yata ng bagay ay aking ibinigay
Bahay, lupa pati na ang aking buhay
Ngunit ano ang naging kapalit
Ako’y pinagkait, sa kaibiga’y nilait
Sana naman iyong dinggin
Ang pangakong ibinulong ko sa hangin
Upang sa araw ng aking paglisan
Ang ating pag-ibig sana’y wakasan
Hindi ako nagmamaliit o nagmamalaki
Sa pag-ibig na inalay ay napakalaki
Ngunit huwag mo na sanang maalala
Ang mga araw na di pinakinggan aking babala
O irog huwag mong masamain
Ang pag-ibig ko’y sana’y dinggin
Ngunit ang pag-ibig sa iyo’y huli
At hindi na iibig pang muli.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...