Ako nga pala yung iniwan mo.
Ako nga pala yung taong ginawa mong laruan.
Ako rin yung taong sinabihan mong 'TANGA'.
Pero heto na ako ngayon--
Nagulat ka, hindi ba?Hindi mo na nakikita ang kahinaan ko.
Dahil hinanap ko ang aking sarili.
Hindi tulad mo--
Puro ka salita.Puro ka satsat.
Ngayon, hinahanap mo ako.
Kailangan mo ako--
Pero di ako pumunta.
Tumatangis ka.
Pero di kita pinuntahan.Hindi kita kailangan,
Hinding-hindi.
Ginusto mo ito.
Kaya, heto ako,
Nakahandusay.Oo, wala na ako.
Kinitil ko na ang aking sarili.
Sa pamamagitan ng isang punyal.
Sinabi ko sa aking sarili,
'Nagkita tayong muli, sa aking libing'

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...