Romansa ng Nasyonalismo

412 0 0
                                        

Sa silakbo ng aking mga panulat,
Pinuno ko ang iyong puso.

Subalit iba ang pag-ibig na ito,
Higit pa sa tsokolate at rosas,
Hindi natutumbasan ng kahit na anong halaga,
Dahil ang pag-ibig ko para sa Inang Bansa,
Ay hindi maaaring mapantayan ng kahit na anong sigwa.

Umulan man ng punglo o sibat,
Dumanak man ng dugo'y hindi ako lilisan,
Kung para rin lang sa bayang aking pinaglilingkuran,
Handa akong mamatay.

Hindi kita narinig na nagtampo o nagalit,
Tuwing inuuna ko ang ibang bagay kaysa sa'yo,
Dahil nauunawaan mo ang takbo ng aking tadhana,
Ikaw ang siyang nagturo sa aking maging malaya,
Ikaw na siyang nagwika sa akin na,
"Ang mamatay... nang dahil sa'yo"

O Ina, sa iyong dibdib nananahan,
Ang silakbo ng aking pagkamakabayan,
Walang punglong makapipigil sa pag-ibig,
Ang pag-ibig sa tinubuang lupa.

Paalam na, sintang lupang tinubuan,
Binhi mo'y aking didiligan ng aking dugo,
Sa tigang na lupa ng karimlan, ika'y humimlay,
O, aking Ina, ang aking pag-ibig,
Na hinalay ng iba't ibang tao,
Nilapastangan ang puri,
Inagaw ang dapat ay sa kanya.

Sa silakbo ng rebulusyon,
Sabay tayong yumao.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon