Jopay

38 1 0
                                    

Jopay-
Kumusta ka na?
Naalala ko noong nakita kita,
Ewan ko, pero bakit ba ganyan?
Para bang nobela ang ating pag-iibigan?

Naalala ko,
Noong magkahawak ang ating mga kamay,
Wala tayong kamalay-malay noon,
Iyon na pala ang huling sayaw natin,
Ang dami nating masasayang alaala,
Mula noong tumatambay pa tayo sa Tindahan ni Aling Nena,
Kasama natin ang ambisyosang si Shirley,
Ang iyaking si Julie,
Maging ang malambing na si Toyang,
Pinagselosan mo pa nga sila;
Binansagan pa nga nila akong Torpedo,
Noong nalaman mong may gusto ako sa'yo.

Habang nakatingin tayo sa mga bituin,
At kay lamig pa ng hangin,
Pero sa mga tingin mo,
Lalo akong nababaliw, aking giliw.
Habang tangan ko ang aking gitara,
Malapit sa tindahan ng tsinelas ni Mang Kulas,
Sinambit ko ang mga katagang ito,

"At sa awitin kong ito,
Sana'y maibigan mo,
Ibubuhos ko ang buong puso ko;
Sa isang munting harana,
Para sa'yo."

Naaalala ko pa, Jopay,
Oo, naalala ko pa noong niligawan kita,
Inaasar ako ng mga kaklase natin,
Lalo na ang bestfriend kong si Jay,
Na ang tawag sa'yo ay Pare,
Madalas ka pa niyang sabihan na,
"This guy's in love with you, Pare"

Oo, Jopay, naaalala ko pa,
Kinukulit kita,
Hinihintay ko ang iyong tugon,
Hanggang sa isang araw,
Narinig ko na rin-
Makalipas ang ilang buwang paghihintay,
Nasambit mo ang matamis mong 'OO'

Tinatanong kita noon,
"Ilang isaw pa ba ang kakainin ko?
Ilang awit pa ba ang kailangan kong awitin?
Tinawanan mo lang ako,
Pero ginulat kita nang sinabi ko sa'yo ito,

"Sagutin mo lang ako, aking sinta'y walang humpay na Ligaya-
Aasahang iibigin ka, sa tanghali, sa gabi at umaga;
Huwag ka sanang magtanong at magduda,
Dahil ang puso ko'y walang pangamba,
Lahat tayo'y mabubuhay nang tahimik at buong-
LIGAYA"

Kay sarap pala talaga ng may minamahal,
May kulay at buhay ang ating daigdig,
Kahit na marami akong pagkukulang,
Isang matamis na halik mo lamang,
Ay akin nang makakalimutan.

Nang sumunod na linggo, nagpunta tayo sa CASAA,
Magkahawak ang ating mga kamay,
Kung tayo'y magharutan, para tayong walang katabi
Hay, ganito lang sana talaga ang ma-in love,
Pero, isang araw-

Nag-away tayo sa may SM,
Hindi ko alam kung bakit,
Pero nagkatampuhan tayo,
Pareho tayong lumuha,
Hanggang sa maubos ang ating mga laway,
Magkahiwalay na tayong umalis,
Iyon na pala ang ating wakas.

Bigla kang natauhan,
Umalis ka bigla nang hindi man lang nagpapaalam sa akin,
Ang sabi mo pa nga,
"Hinding-hindi kita mami-miss"
Pero hanggang kailan ako magtitiis nang ganito?

Isang tama laban sa sampung kamalian,
Ganito ba ako pumili?
Pero-
Hindi ko na ba talaga mababawi,
Ang puso kong sawi?

Jopay,
Kung ayaw mo na sa akin,
Hindi na kita pipilitin,
Medyo bata pa naman ako,
May mabibighani pa sa akin siguro.

Kung ayaw mo na talaga ako,
Leche, lalong ayaw ko sa'yo,
Pero, siyempre, alam mo naman ang address ng bahay ko,
Baka sakaling magbago ang isip mo, please?

Ngayon-
Di ko pa rin alam kung bakit pa tayo nandito,
Pero pwede bang itigil mo na,
Ang pag-ikot ng mundo mo sa akin,
Dahil nasasakal na ako.

Hindi ko na kayang mabuhay sa kahapon,
Kaya mula ngayon-

Maglilinis na ako ng aking kwarto
Na puno ng galit at damit,
Ang mga bagay na hinding-hindi ko na kailangan,
At ang mga nakaraang hindi ko na puwedeng ipagpaliban.

Sana hindi ka na lang pala aking nakilala
Kung alam ko lang ako'y iyong masasaktan ng ganito
Sana'y nakinig na lang ako sa tatay ko
Malas mo lang talaga-
Ikaw ang natipuan ko.

Tulala sa isang tabi,
Hinding-hindi ako mapakali,
Nagmumuni-muni sa ating nakaraan;
Kung talagang para tayo sa isa't isa,
Noon pa lang sana-
Pinalaya na kita.

May natutunan ako sa karanasan kong ito,
Mali ang magmahal kaagad nang lubusan,
Hangga't maaari, pigilan ang tawag ng damdamin,
Nang hindi masaktan kung iiwanan.

Kaya Jopay, salamat,
Para sa'yo ito,
Hindi man tayo nagtagal,
Pero sana malaman mong,
Ikaw lang ang siyang pangarap ko,
Ikaw ang buhay ko.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon