Mga Huling sandali

162 1 0
                                        

Anak, huwag kang umiyak,

Pagkakasala ng iba, akin nang niyakap;

Maluwag kong tatanggapin,

Ang aking sasapitin.


Hindi man ako makakauwi nang buhay,

Dugo ko ang siyang naging alay;

Inosente ako,

Danyos ang sariling buhay ko.


Mag-aral kayong mabuti,

Alagaan niyo ang inyong sarili;

Kapalaran ay talagang kay lupit,

Pangarap ko para sa inyo, kanilang pinagkait.


Paalam, aking mga anak,

Pagbabalik ko ay hindi na tiyak;

Makita niyo man akong muli, ako'y nasa kahon na,

Kamatayan ko'y tinatanggap ko na.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon