Amang, tila hindi ka tumanda,
Maliksi ka pa rin, parang bata;
Ang tanging hiling ko sana,
Si Inay ay kalingain mo pa.
Hindi mo man ako kadugo,
Pero mahal kitang totoo;
Tila karugtong ka ng aking puso,
Sa pagtahak sa malubak na mundo.
Huwag mo nawang kalilimutan,
Na ika'y aking hinahangaan;
Sana sa dulo ng walang hanggan,
Magkita tayo't magsimula ng usapan.
Maligayang kaarawan, mahal kong AMA,
Isang makabuluhang taon, iyong natamasa;
Tanging masasabi ko lamang, nawa,
Pagbutihan pa ang iyong mga gawa.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...