Pula ang kulay ng langit ngayon,
Kasing kulay ng pag-iibigan nating dalawa...
Umuulan ng rosas,
Pulang rosas;
Mga rosas na minsang nalanta sa pagkabigo-
Ngunit diniligan mo ng iyong ngiti.Mga punla na akala ko'y hindi na mamumukadkad,
Buti dumating ka.Sa mga binhi ng iyong pag-ibig, ako'y muling namulaklak.
At sa ating muling pagkalanta,
Aakyat ang kaluluwa natin sa langit;
Magkakaroon ng panibagong buhay,
Itatanim sa panibagong mundo
At hahanapin ulit natin ang isa't isa.Pipiliin ulit nating magmahal-
Hindi ko na nanaising magmahal pa ng iba,
Gaya ng pagmamahal mo sa akin.Mahal kita-
Hanggang sa aking pagpanaw,
Ikaw ang siyang laman nitong puso ko.Sa pagpuno mo ng mga salita sa utak at puso ko,
Sana'y hindi nga ito magwakas;
Hindi ko alam kung anung sakit ang iindahin ko,
Kung mawala ka man.Ikamamatay ko ang mawala ka sa akin.
Ikaw lang ang siyang pag-ibig ko,
Gaya ng rosas na pulang nakatanim sa aking puso.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...