Anghel de la Guardia

64 0 0
                                        

Malalim na ang gabi,
Bakit di mapakali?
May hinihintay ka ba?
Tara, ihahatid na kita.

Saan ang bahay mo?
Pwede mo bang ituro?
Huwag kang matakot,
Hindi ka binabangungot.

Idadaan kita sa daang ligtas,
Sa panganib, ika'y makakatakas;
Magtiwala ka,
Sa akin ay ligtas ka.

Huwag ka na lamang sanang lilingon,
Dahil hindi mo na ako makikita, kung magkataon;
Dahil ako ang iyong tagapamatnubay,
Ang anghel na sa iyo'y gagabay.


Mga Tula ng Pag-ibigMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon