Sa pagdapo ng dahon,
Sa lupa na puno ng pighati;
Muling pinagmamasdan,
Ang naglalaho mong ngiti.Sa pag-agos ng luha,
Sa pagbuhos ng ulan;
Aking nauunawaan,
Ang sakit na kanyang iniwan.Matibay man ang bato,
Matatag man ang puno;
Naglaho na ang pag-ibig mo,
Tuluyan nang gumuho, yaring mundo.Paalam, aking bati,
Hanggang sa muli,
Ang pangakong nabali,
Tuluyan nang mapapawi.Sugatan man ako,
Hindi ako nagpatalo;
Sapagkat ang tanging kalaban ko,
Ay ang aking sariling anino.
BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...