Hindi ako isang Agila

51 0 0
                                        

Hindi ako isang agila,

Na napakatayog ng lipad;

Hindi ko nakuha ang titulo,

Hindi ko pinilit sina Ama at Ina,

Dahil wala kaming sapat na pera;

Naiingit ako minsan sa kanila,

Habang sinasabitan ng medalya,

Pero sabi ko sa sarili,

"Ayos lang yan, hindi man ako Agila,

Kaya ko pa ring patunayan sa kanila,

Na kaya ko ring maging tulad nila."

Hindi ako isang Agila,

Sa loob ng labinlimang taon,

Pinili ko na lang maging miyembro,

Kaysa sa pagiging Agila,

Kahit naiingit, nauunawaan ko,

Taos-puso kong tinanggap,

Kahit maluha-luha-

Kung para din lang sa sarili ko,

Hindi na ako nangarap nang matayog.

Hindi ako isang Agila,

Pero kaya kong maging tulad nila,

Hindi tulad ng iba,

Na matapos maging agila,

Ay tatalikuran na ang lahat,

Nakakapanlumo-

Nakakadismaya,

Dahil maraming mas nararapat.

Hindi nababayaran ng pera ang karangalan,

Oo, medalya lang siya,

Pero hindi siya isang ordinaryong medalya lang,

Dahil dugo, pawis at determinasyon ang inalay,

Para makuha ang lahat ng ito,

Pero nakalulungkot,

Dahil binayaran lang ng iba ang karangalang ito.

Hindi ako isang Agila,

Dahil lampas na ako sa edad.

Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon