Ilang buwan pa ba akong maghihintay,
Para makita ko ang matamis mong ngiti,
Ang ngiti mong tumunaw ng aking lungkot,
At siyang naging tanging lunas sa bawat hinagpis,
Na dulot ng aking pagkabigo?Ilang araw pa ba ang kailangan kong bilangin,
Para mapunan ang bawat sentimo ng aking alkansiya,
Upang makaipon ako ng pambili ng rosas at tsokolate,
Na sa pagdaan ng panahon ay malalanta at matutunaw din,
Tulad ng nasira nating mga alaala?Ilang oras pa ba ang dapat kong hintayin,
Sa masikip na eskinitang kinatatayuan ko,
Upang iparating sa'yo na ako'y nagsisisi,
Humihingi ng pag-unawa at konsiderasyon,
Dahil hindi ako naging tapat sa'yo?Ilang segundo na ang lumipas,
Pero wala ka pa rin,
Nasaan ka na?
Hinihintay ko ang yakap mo,
At ang mga kamay mong humahaplos sa aking mukha.Ipagpatawad mo, ako'y nainip,
Sa paghihintay ng iyong sagot para sa akin,
Hindi na mahalaga kung OO o HINDI,
Dahil ang mahalaga para sa akin,
Ay tapat mo itong sinabi sa akin.

BINABASA MO ANG
Mga Tula ng Pag-ibig
PoetryMay mga bagay sa atin na hindi kailanman mabubura. Ang mga alaalang nagbabalik, mga karanasang kay pait, at higit sa lahat, ang mga pangakong nawaglit. Sa akdang ito, muli mong mararanasang magmahal, masaktan at muling makatayo sa sariling mga paa. ...