Kung dumating man ang araw.

55 0 0
                                    

Kung dumating man ang tamang araw,
Huwag ka nang manangis,
Bagkus-
Matuwa ka,
Dahil nagawa ko na ang lahat-lahat.

Kung dumating man ang araw na iyon,
Huwag mong kalilimutan,
Sabihin mo sa lahat-
Ikaw ang tanging saksi sa lahat,
Ng aking tagumpay at pighati.

Kung darating ang araw na ako'y lilisan,
Huwag kang mag-alala,
Tandaan mo-
Handa ako sa pagdating ng araw na ito,
At hindi ko ito pinagsisisihan.

Ilibing niyo ako,
Sa aking pinakapaboritong lugar,
Pakiusap-
Ilagay niyo ang aking mga sininop,
Katabi ng aking bangkay.

Huwag na kayong mag-abala,
Isang simpleng pag-aalaala ay sapat na,
Tandaan niyo,
Alalahanin niyo ang mga masasayang bagay,
At ang hindi niyo makalilimutang araw, kasama ako.

Kung dumating nga ang araw na iyon,
Tanggapin niyo,
Huwag kayong tumangis,
Huwag niyong ipagdamdam,
Bagkus, ipagdiwang niyo ito.


Mga Tula ng Pag-ibigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon